Ayon kay Nenita Carlos, chairperson ng Jaen Water District, nasa 200 kabayahan ang mapadadaluyan ng malinis na tubig inumin sa lugar bilang resulta ng joint venture sa pribadong kumpanya na Prime Water (PW) Jaen.
Sa kasalakuyan aniya ay nasa 5,000 kabahayan ang siniserbisyuhan ng Jaen Water District. Sinabi naman ni Atty. Gemma Aspiras na target nilang maserbisyuhan ang nasa 16,000 kabahayan sa Jaen sa loob ng 25 taon ng joint venture sa JWD alinsunod na rin sa public private partnership (PPP).
Naglaan daw ng inisyal na isang bilyong piso ang kumpanya para sa Jaen.
Si Marian Zuñiga, residente ng barangay, ay excited para sa kanyang mga anak.
Bukod sa ginhawa ng pagkuha ng tubig sa gripo kumpara sa poso ay mas nakasisiguro sila sa kaligtasan nito, ani Zuñiga.