Home Headlines Paggawad ng Pondong Pangkalusugan sa Bataan Primary Care Provider Network (PCPN) ng...

Paggawad ng Pondong Pangkalusugan sa Bataan Primary Care Provider Network (PCPN) ng PhilHealth Region III

554
0
SHARE
1Bataan Konsulta Ok! – Iginawad ni PhilHealth President at Chief Executive Officer (PCEO) Emmanuel R. Ledesma, Jr. kay Bataan Governor Jose Enrique “Joet” S. Garcia III ang Php114,685,541.24 bilang First Tranche Front Loaded Capitation Fund para sa pagsusulong ng Bataan Primary Care Provider Network (PCPN) Konsulta Sandbox noong Nobyembre 17, 2023 sa Office of the Governor, Provincial Capitol, City of Balanga, Bataan.
 
Ang pondong ito ay para sa pagbibigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan o primary health care tulad ng konsultasyon, laboratoryo, at mga maintenance na gamot para sa mga Bataeño. Ito din ay suporta sa mga PhilHealth accredited providers na sakop ng Bataan PCPN Konsulta Sandbox sa pagpapalawak ng primary care at Universal Health Care (UHC) sa lalawigan. Ayon kay Gov. Garcia, ito ay malaking tulong para sa mga kababayang nangangailangan ng serbisyong medikal kaya at pagsusulong ng Universal Health Care (UHC) na layunin ng Bataan tungo sa mas malusog at matatag na mga Bataeño.

 
Ipinahayag ni PCEO Ledesma na ang Bataan ay nangunguna sa Central Luzon sa pinakamataas na pondong naibigay para sa PhilHealth Konsulta, gayundin sa pagrehistro sa 389,487 Bataeños sa napili nilang accredited Konsulta facility (e.g. RHU, ospital, clinic) kung saan ay patuloy na nagagamit ang benepisyo at serbisyong hatid ng PhilHealth Konsulta. Ito ay 45.82% ng kabuuang 850,000 populasyon ng Bataan, mataas sa 25% na target noong 2022. Simula taong 2021 na may 5 Konsulta providers, ngayon ay may 31 accredited Konsulta providers na ang Bataan at ang 20 Rural Health Units (RHUs) nito ay kasama sa Bataan PCPN Konsulta Sandbox, bilang isa sa 7 pilot sites sa buong Pilipinas.
 
Buong puso ang pasasalamat ni PCEO Ledesma, Executive Vice President Atty. Eli Dino D. Santos, at PhilHealth Regional Office III Acting Vice President Henry V. Almanon sa mga UHC Champions ng Bataan na kasama sa pagtitipon na ito na sina Gov. Joet Garcia, Bataan League of Mayors President Mayor Antonio “Pep” L. Raymundo, Jr. ng Orion, Mayor Robin C. Tagle ng Abucay, Mayor Efren Dominic E. Pascual, Jr. ng Orani, Mayor Francis Anthony Garcia ng Balanga City, Provincial Health Officer (PHO) Dr. Rosanna M. Buccahan, Provincial Accountant Myrna Roman, Provincial Information Officer (PIO) 1Bataan Angel O. Lara, at mga partner health care providers.
 
Kasama rin dito sa UHC milestone sina PhilHealth outgoing Acting Vice President Edgardo F. Faustino, Acting Branch-A Manager Dr. Rowena Zabat-San Mateo, Local Health Insurance Office (LHIO) Bataan team and Head Edmond M. Manuel, PCPN Head Dr. Francisco E. Sarmiento III, Management Services Division Chief Ruby M. Vitug, Legal Office Head Atty. Rae Genevieve L. Acosta, Public Affairs Unit team at Head Monifer S. Bansil, at Corporate Communication Department representatives.
 
Tunay na sa pagtutulungan at pangunguna ng mga liderato ng mga lalawigan, partner health care providers, mga sangay ng pamahalaan, at bawat miyembro ng lipunan — matutupad ang mga adhikain ng Universal Health Care (UHC) at mga programa ng PhilHealth para sa lahat. — PhilHealth Region III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here