PAGDANGANAN NAGBABALA:
    ‘Nagiging isang cottage industry na ang hired killing sa Bulacan’

    420
    0
    SHARE
    CALUMPIT, Bulacan – Nagbabala si dating Gobernador Roberto Pagdanagnan na nagiging isang cottage industry na umano ang hired killing sa Bulacan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng pamamaslang na hindi nareresolba.

    Dahil dito, nanawagan siya kay Police Director General Jesus Versoza na rebisahin ang performance ng pulisya sa lalawigan.

    “It’s a very sad thing, criminality seems to be the order of the day with hired killings is the fastest cottage industry in Bulacan,” ani Pagdanganan.

    Ilan sa mga binaggit niyang insidente ng hired killing sa lalawigan na hindi nareresolba ay ang pamamaslang sa kanyang kapatid na si ex-Calumpit  Mayor Ramon Pagdanganan noong Mayo 4; at kina Inhinyero Constantino Pascual ng Rosemoor Mining and Development Corporation noong Hunyo 8; ex-Apalit Mayor Tirso Lacanilao na pinaslang sa bayang ito noong Hulyo 31;  Konsehal  Fidel Nacion ng San Rafael at masaker sa pamilya ni Teofilo Mojica ng San Jose Del Monte City noong Setyembre 9 at 12 ayon sa pagkakasunod.

    Ayon kay Pagdanganan, ang mga nasabing insidente ay maibibilang sa culture of impunity sa lalawigan dahil walang naparusahan.

    Sinabi niya na ang kawalan ng napaparusahan ay bunga ng pagkukulang ng pulisya sa pagpapatupad ng batas.

    “Walang napaparusahan kaya patuloy,” aniya at iginiit na noong siya ang punong lalawigan ay “tinutugis namin ang mga kriminal noon.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here