Ngayong kahit saan man yata ng dako
Ng Pilipinas ay di na biru-biro
Ang kriminalidad na biglang lumago,
Saan na nga kaya tayo patungo?
Kundi sa posibleng lalo pang paglala
Ng krimen maging sa labas ng Maynila,
Partikular na riyan ang panggagahasa,
Na araw-araw ay laman ng balita.
Kung saan pati mga batang musmos
Ay hindi ligtas sa gawang maka-hayop
Nitong ibang ‘rapist’ na lango sa gamot,
Kung kaya mas grabeng krimen ang kabuntot!
Pagkat nagagawa pa nilang patayin
Ang biktima para lang patahimikin,
Suerte itong huli ay may nakapansin
Kaya nakaligtas sa kamay ng tiyuhin.
Yan ay isa lang sa halos di mabilang
Ng kaso ng panggagahasang naturan,
Kung kaya sa ganang amin ay dapat lang
Na ibalik natin ang parusang bitay!
Upang mabawasan kahit papaano
Ang masasama sa ibabaw ng mundo
Na kagaya nitong minsan ay tiyo
O kaya naman ay ang ama pa mismo.
Ang may kagagawan, kung kaya’t madalas
Ay di na lang n’yan isinisiwalat;
Dahilan na rin sa kahihiya’t sukat
Ng pamilya nila kung ya’y ihahayag.
At kaya lang napipilitan ang iba
Upang isiwalat sa mata ng masa
Ang di magandang nangyari sa biktima
Ay kung ito ay grabe o pinatay na.
Maliban sa kaso ng panggagahasa,
Ay nakawan itong sumusunod yata
Sa pinaka-grabeng krimen sa ‘ting bansa,
Bukod sa ‘carnapping’ na lalong malala
Kaysa ano pa mang krimeng nangyayari
Dito sa ‘ting bansa o sa ibang ‘country’
Pagkat lahat na ng pinakamatindi
At pinaka-‘high tech’ ay pawang posible.
Na kagaya nitong ang iba’y sundalo
At pulis pa mandin ang kasabwat mismo
Sa ilang serye ng holdapan sa bangko
At panloloob sa establisyemento.
Aywan nga lamang kung bakit karaniwang
Pulis o sundalo lang ang sangkot kung minsan,
Sapagkat mas malalaki ang nakawang
Nakasanayan ng ilang heneral diyan.
At di daang libo lamang kundi milyon
Ang kita ng ilang heneral sa ngayon,
Mula sa anila’y tawag ay “pabaon,”
At sa tinagurian yatang “pasalubong”
Kung saan sa ganang sariling opinyon
Ni ‘yours truly’ yan ay lantarang pag-kotong
Sa pondo ng ating ‘military’ ngayon,
Partikular na sa kawawang sundalong
Marapat tumanggap ng malaking sahod
Pagkat sila itong nakikipag-hamok,
Sa gitna ng digma, at di itong halos
Nakaupo lang at siyang nag-uutos!
Kaya, kung marapat bitayin ang ‘rapist,’
At iba pang sa lipunan ay panganib,
Ito pa bang huli na ating nabanggit
Ang ligtas sa bitay sa puntong nabanggit?
Ng Pilipinas ay di na biru-biro
Ang kriminalidad na biglang lumago,
Saan na nga kaya tayo patungo?
Kundi sa posibleng lalo pang paglala
Ng krimen maging sa labas ng Maynila,
Partikular na riyan ang panggagahasa,
Na araw-araw ay laman ng balita.
Kung saan pati mga batang musmos
Ay hindi ligtas sa gawang maka-hayop
Nitong ibang ‘rapist’ na lango sa gamot,
Kung kaya mas grabeng krimen ang kabuntot!
Pagkat nagagawa pa nilang patayin
Ang biktima para lang patahimikin,
Suerte itong huli ay may nakapansin
Kaya nakaligtas sa kamay ng tiyuhin.
Yan ay isa lang sa halos di mabilang
Ng kaso ng panggagahasang naturan,
Kung kaya sa ganang amin ay dapat lang
Na ibalik natin ang parusang bitay!
Upang mabawasan kahit papaano
Ang masasama sa ibabaw ng mundo
Na kagaya nitong minsan ay tiyo
O kaya naman ay ang ama pa mismo.
Ang may kagagawan, kung kaya’t madalas
Ay di na lang n’yan isinisiwalat;
Dahilan na rin sa kahihiya’t sukat
Ng pamilya nila kung ya’y ihahayag.
At kaya lang napipilitan ang iba
Upang isiwalat sa mata ng masa
Ang di magandang nangyari sa biktima
Ay kung ito ay grabe o pinatay na.
Maliban sa kaso ng panggagahasa,
Ay nakawan itong sumusunod yata
Sa pinaka-grabeng krimen sa ‘ting bansa,
Bukod sa ‘carnapping’ na lalong malala
Kaysa ano pa mang krimeng nangyayari
Dito sa ‘ting bansa o sa ibang ‘country’
Pagkat lahat na ng pinakamatindi
At pinaka-‘high tech’ ay pawang posible.
Na kagaya nitong ang iba’y sundalo
At pulis pa mandin ang kasabwat mismo
Sa ilang serye ng holdapan sa bangko
At panloloob sa establisyemento.
Aywan nga lamang kung bakit karaniwang
Pulis o sundalo lang ang sangkot kung minsan,
Sapagkat mas malalaki ang nakawang
Nakasanayan ng ilang heneral diyan.
At di daang libo lamang kundi milyon
Ang kita ng ilang heneral sa ngayon,
Mula sa anila’y tawag ay “pabaon,”
At sa tinagurian yatang “pasalubong”
Kung saan sa ganang sariling opinyon
Ni ‘yours truly’ yan ay lantarang pag-kotong
Sa pondo ng ating ‘military’ ngayon,
Partikular na sa kawawang sundalong
Marapat tumanggap ng malaking sahod
Pagkat sila itong nakikipag-hamok,
Sa gitna ng digma, at di itong halos
Nakaupo lang at siyang nag-uutos!
Kaya, kung marapat bitayin ang ‘rapist,’
At iba pang sa lipunan ay panganib,
Ito pa bang huli na ating nabanggit
Ang ligtas sa bitay sa puntong nabanggit?