MALOLOS—Nakarehistro man bilang botante, hindi pa rin tiyak kung makakaboto sa makasaysayang 2010 automated elections ang mga detainee o bilanggo sa mga piitan dahil sa kuwestiyon sa seguridad.
Gayunpaman, sinabi ni Commissioner Armando Velasco na ipapanukala niya sa Commission on Elections (Comelec) en banc na makipag-ugnayan sa Korte Suprema upang maisaayos ang proseso sa pagboto ng libo-libong bilanggo, kabilang ang may 100 sa panglalawigang piitan ng Bulacan upang makaboto sa susunod na halalan.
Ang kawalan ng katiyakan na makaboto ang mga bilanggong nagparehistro ay lumutang matapos ipahayag ng Comelec na ang mga PCOS machines na gagamitin sa susunod na halalan ay sa mga polling center o clustered precinct lamang ilalagay, at hindi kasama ang mga bilangguan.
Dahil dito, mangangailangan ang mga bilanggo ng utos mula sa korte na pansamantala silang makalabas sa araw ng halalan upang makapunta sa mga polling center at makaboto.
“Kailangan munang magpetisyon sila sa korte para bigyan sila ng pagkakataon na makalabas at makaboto,” ani Velasco .
Sinabi rin niya na dahil hindi pa nahahatulan ang mas maraming bilanggo sa mga piitan, hindi pa nawawala ang karapatan nilang bumoto.
Ipinahayag din niya na ipapanukala niya sa Comelec en banc na binubuo ng anim pang komisyuner na makipag-ugnayan sa Korte Suprema upang maisa-ayos ang proseso ng pagboto ng mga bilanggo.
Ayon kay Velasco, makikipag-ugnayan din sila sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at pulisya upang matiyak na hindi makakatakas ang mga bilanggo kung sakaling bigyang pagkakataon na makalabas sa piitan upang makaboto sa halalan.
Una rito, sinabi ni Abogado Sabino Mejarito, ang election supervisor sa Bulacan na hindi magiging madali ang pagboto ng mga bilanggo sa 2010 automated elections.
“Para sa Comelec, ministerial ang trabaho namin, kung nakarehistro sila at may court order, makakaboto sila, pero kailangang bigyang pansin ang mga security issues,” ani Mejarito.
Sinabi niya na kailangang may nakabantay sa mga bilanggo na boboto sa halalan.
Ngunit ang isa pang problema ay ang kalagayang hindi puwedeng lumapit ang mga unipormadong pulis at mga kagawad ng BJMP sa polling center sa araw ng halalan.
“They have to be at least 30 meters away from the polling center,” ani Mejarito at binigyang diin “sino ang maaaring magbantay sa bilanggo habang bumoboto?”
“This is a security nightmare because there is always a chance for them to escape,” aniya.
Matatandaan na nitong Mayo, pinagtibay ng Comelec ang isang resolusyon na nagbigay karapatan sa mga bilanggong hindi pa nahatulan na makapagparehistro at makaboto.
Sa lalawigan ng Bulacan,mahigit sa 100 bilanggo mula sa panglalawigang piitan ang tumugon at nagparehhistro upang makaboto sa 2010 automated elections.