Pagbasura sa DMIA, insulto sa Pampanga

    459
    0
    SHARE

    (Karugtong ng sinundang isyu)

    Kung kalinisan at pagiging matuwid
    Sa pamamahala, wala ng hihigit
    Sa rekord ng ating pinaka-mabait
    Na kabalen, kaya nga’t para ibalik

    Ang ‘tribute’ sa isang hindi Pilipino
    Na isang kawal lang na Amerikano
    (At wala rin namang kaugnayan dito),
    Yan para sa atin ay grabeng insulto!

    Sino sa atin ang nakakakilala
    Kay Major Harold Clark dito sa Pampanga,
    Na namatay sa isang ‘plane crash’ sa Panama,
    Na pinanggalingan ng pangalan niya?

    At anong nagawa nito sa’ting bayan
    ‘Compared with our very own Macapagal?’
    Upang itong dati nilang nirentahang
    ‘Airbase’ sa atin ay kay Clark ipangalan?

    During the lease contract with them still exist
    Yes, they have the rights and/or legal basis
    To name their rented place to whatever they wish
    Since it’s then considered as their own properties.
        
    But right after they left and vacated the place,
    Such rights and/or any power to exercise
    Something that they want to do with their former base
    Has no valid effect since it’s no longer theirs.

    Kaya ngayong yan ay naisauli na
    At tayo na itong may hawak kumbaga,
    Ano’t pangalan pa ng kalahi nila
    Ang gamitin at di ang atin talaga?

    Gayong kagaya ng nasabi na natin,
    Yan ay tunay naman nga pong sadyang atin;
    Kaya kalokohan na maituturing,
    Na ang pangalang “Clark” – papanatilihin!

    Na noon pa dapat inayos at sukat
    Upang mapalitan ang katawagang Clark
    Sa ating Freeport Zone na napakalawak
    Matapos na sila’y ating mapalayas.

    Di pa ba sapat ang panahong nagdaan
    Kung saan ang ‘Clark Field’ kinilala bilang
    Isa sa pangunahing Base Militar
    Ng mga Kano sa Malayong Silangan?

    Na nararapat nang palitan sa ngayon
    Pagkat nilisan na nga nila ang kampong
    Inupahan sa ‘tin ng kung ilang taon
    Bago pa man sila giyerahin ng Hapon.

    (Na kung saan pati tayo ay nadamay
    Lamang sa gulo ng mga kapitbahay
    Nagpambuno sa ating pamamahay,
    Kaya naperwisyo rin at napaaway?) 

    Kaya ang mungkahi nitong si Luciano
    Na palitan muli o ibalik nito
    Ang pangalang “Clark” sa paliparan dito
    Ay di na marapat isulong siguro.

    Kung kaya nga’t tayo ay nanawagan
    Kay Luciano: na kung nagpapalapad yan
    Sa Pangulo ay huag sa ganyang paraan
    Na lubhang ‘obvious’ ang posibleng dahilan.

    Kundi pagbutihin ang kanyang trabaho
    Upang gumanda ang papel n’yan ng husto;
    At di sa kung anong panukala nito,
    Na nakatatapak ng tunay na tao.

    Sa ganang amin ay mas makabubuting
    Si Victor Luciano ang unang sipain,
    Kaysa bandang huli pati sadyang atin
    Ay palitan niya at pagtatanggalin!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here