Home Headlines Pagbakuna sa mga sundalo sa Basa Air Base nagsimula na

Pagbakuna sa mga sundalo sa Basa Air Base nagsimula na

905
0
SHARE

Ang isa sa mga sundalong unang nabakunahan sa Basa Air Base. Kuha ng Public Affairs Office/Basa AirBase.



FLORIDABLANCA, Pampanga — Nagsimula na kahapon ang pagbabakuna sa mga sundalo ng Philippine Air
Force sa Basa Air Base.

Nasa 46 sundalo ang unang nabakunahan at magtutuloy-tuloy hanggang sa mga susunod na araw. 

Nakalaan ang mga bakuna sa mga sundalong doktor, nurse, at mga nagbabantay sa mga Covid facility at mga ospital.

Aabot sa 600 na sundalo ang inaasahang mababakunahan sa kabuuan.

Lunes naman nang dumating sa air base ang bakuna ng Sinovac at nasa 1,200 ang kabuuang bilang na nahahati sa tig-600 ang first dose at second dose.

Bahagyang na-delay ang pagbabakuna dahil hindi agad dumating ang dokumento na naglalaman ng medical history ng mga sundalong tuturukan.

Ayon sa pamunuan ng Basa Air Base ay wala namang naranasang adverse effect ang mga nabakunahan at nakabalik na rin agad sa duty ang mga sundalong unang naturukan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here