Home Headlines Pagbabawas ng supply ng irigasyon mula Angat tinutulan ng magsasaka

Pagbabawas ng supply ng irigasyon mula Angat tinutulan ng magsasaka

1388
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagbawas ng supply ng irigasyon mula sa Angat Dam ang National Water Resources Board (NWRB) ng 35 cubic meters per second na lamang mula sa average na 43 cubic meters per second kasunod ng nararanasang El Niño.

Ayon sa NWRB, walang masyadong epekto sa agrikultura ang irrigation supply reduction dahil nasa kalagitnaan na ng planting season ang mga magsasaka at sa ganitong panahon ay mas kaunting tubig na lamang ang kailangan.

Tutol naman ang mga magsasaka mula sa Lungsod ng Malolos sa ginawang pagbabawas ng Angat Dam ng supply ng kanilang irigasyon dahil posible daw na mamatay ang kanilang mga tanim na palay bago pa man anihin.

Ayon kay Mel Domingo, pangulo ng mga magsasaka sa Barangay Santor, sa kalagitnaan pa sila ng Mayo aani at dahil nabawasan ang supply ng irigasyon ay posibleng mamamatay ang kanilang mga palay dahil mas mabilis matuyo ang tubig ngayon dahil sa matinding init.

Kagaya aniya ng tanim niyang palay na ngayon ay nagbubuntis na mas nangangailangan ng mas maraming tubig.

Kayat nanawagan siya sa Pangulong Duterte na tulungan silang huwag bawasan ang irigasyon hanggang sa kalagitnaan ng Mayo at sila ay maka-ani ng maayos.

Samantalang nauna na ring nagbabala ang PAGASA na posibleng bumaba sa 180-meter mark o critical level ang Angat dam sa katapusan ng Abril.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here