Pagbabawal ng mga paputok muling binuhay ng DOH

    426
    0
    SHARE
    BOCAUE, Bulacan – Muling binuhay ng Department of Health o DOH ang panukalang total ban ng mga paputok sa pagsalubong ng bagong taon ngunit hindi naman ito inalintana ng mga mangggawa ng paputok sa lalawigan ng Bulacan.

    Ayon sa Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Incorporated o PPMDI, hindi sila naniniwalang lubusang maipagbabawal ang pag-gamit ng paputok sapagkat may batas na nagtatakda sa pagiging ligal nito.

    Ayon kay Vimie Eresa, pangulo ng PPMDI, nang nakaraang Pebrero batay sa kanilang pulong sa DOH ay ang paputok lamang na Piccolo ang pinag-usapang posibleng ipagbawal ngayong taon dahil sa umanoy mga aksidenteng naitala dito ngunit hindi ang lahat ng klase ng paputok ang ipagbabawal.

    “Yung piccolo lang ang napag-usapan namin pero hindi lahat ng paputok,” ani Eresa.
    Ngunit kung sakali umanong lubusang maiplementa ngayong taon ang pagbabawal ng paputok ay masasaktan aniya ang buong industriya gayong nakapalaot na ang kanilang mga puhunan.

    Ipinaliwanag pa ng PPMDI na ngayong taon ay 50% na ng mga mangagawa ng paputok ang nawala dahil sa epekto ng global economic recession at sa natitira namang mga manggawa ay bumaba pa ng 10% hanggang 20% sa produksyon dahil sa pagtitipid.

    Ngunit gayunpaman ay kailangan pa rin umanong ituloy ang kanilang hanap-buhay.

    Sa kabila pa ng mga usaping ito ay nananawagan ang PPMDI sa pamahalaan na sugpuin ang mga smuggled firecrackers o pagpasok ng mga imported firecrackers sa bansa na isa rin sa nakakaapekto at pumapatay sa kanilang lokal na industriya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here