Pagbabalikang Luis-Angel tinuldukan na

    261
    0
    SHARE
    Lagi na lang kuwento yung kesyo magbabalikan sina Luis Manzano at Angel Locsin. Yun bang para may maisulat lang , yun na ang topic ng mga writers. Sa true lang, pampralala lang naman ang laman ng mga write up.

    But this time, true na. Hindi na talaga magbabalikan pa’ng dalawa. For reasons we really don’t know, nagkanya-kanya ng lovelife ang dating magsing-irog.

    Sinabi  raw ni Luis Manzano sa isang talk show na  may pag-uusap na magaganap sa pagitan nila  ni Angel.

    Pagkatapos nu’ng  araw na ‘yun  wala na ring nabalitaan tungkol doon. May mga nagtatanong nga kung ano raw ba ang nangyari.

    Naunsiyami na ang  balikang Luis-Angel?

    Well, malay natin baka napag-usapan ng dalawa na they just stay friends.  Puwedeng ito na lang ang  pinagkasunduan nila.

    Hindi na rin nagsasalita pa si Luis about Angel.  Ang aktres naman ay balitang abala ngayon sa proyekto niya with  John Lloyd Cruz kaya hindi siya  masyadong  visible paras interbyuhin.

    Sa tingin namin, tanggap na rin ni Luis na  ganoon  na lang din sila ni Angel.

    Bongga pa rin naman ang career nilang dalawa kahit sabihin pang  hindi na sila magkasama.
    Well, sana nga ay maka-tagpo rin si Luis ng babaing mamahalin siya nang tapat.

    Naalaala namin  kung paano siya maghintay sa isang taong  minahal niya nang lubos.

    So, sa tingin namin  this time,  it’s all  worth the wait kapag may dumating na sa kanya. Siguradong  ito rin ang hangad ng inang si Governor  Vilma Santos  para sa anak.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here