Nakasuot ng PPE ang nagbabakuna sa bata samantalang naka-face mask naman ang humahawak dito. Kuha ni Ernie Esconde
SAMAL, Bataan — Patuloy ngayong Miyerkules ang pagbabakuna ng mga sanggol sa barangay health center sa Sta. Lucia sa bayang ito.
Ayon kay Pida Esconde, barangay health worker, ang bakuna ay proteksyon laban sa tigdas at beke ng mga sanggol. Bukod sa bakuna binibigyan din nila ng vitamin ang mga bata.
Sinabi ni Esconde na buwan–buwan ay may ginagawa silang pagbabakuna ngunit depende sa edad ng mga bata: “Ang target namin sa buwang ito aymabakunahan ang 13 bata pero siyam pa lang ang natatapos.”
Para sa proteksyon ng mga bata at magulang, nakasuot ng personal protective equipment ang nagbabakuna at sinusunod ang mga safety protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.
Tuwang-tuwa naman ang mga ina dahil may proteksyon na laban sa measles at mumps ang kanilang mga anak.