CABANATUAN CITY – Nagpahayag ng paniniwala ang pamunuan ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) na hindi malayong makamit ang isinusulong na pagbabago sa imahe at aktuwal na katayuan ng pambansang pulisya noong Miyerkules.
Ayon kay Senior Supt. Ricardo Marquez, NEPPO director, kailangan lamang ay ituring ng bawat isang pulis na sarili nilang programa ang Integrated Transformation Program (ITP) na itinataguyod ng Philippine National Police (PNP).
Ang programa sa transpormasyon ay pangmalawakang programa sa pagbabagong-bihis ng PNP na tatagal hanggang 2015.
Sinabi naman ni Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng police community relations branch (PCRB) ng NEPPO na ang ITP ay landas patungo sa mas epektibong pagganap sa tungkulin at pagtataguyod ng pambansang seguridad.
Ang mga pahayag ay kanilang ginagawa kaugnay ng paglulunsad ng ika-5 yugto ng ITP na sinimulan sa pamamagitan ng briefing sa mga hepe at pangunahing opisyal ng pulisya sa Nueva Ecija, Tarlac at Aurora na ginanap sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) sa lungsod na ito noong Martes.
Noong Miyerkules ng madaling araw, isinagawa sa Pampanga ang 5th leg ng torch relay na pinagunahan nina PNP Director General Jesus Versoza at Regional Director Leon Nilo Dela Cruz. Sinundan ito ng programa sa Pampanga Convention Center na nilahukan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan, kinatawan ng mga samahang pan-relihiyon, negosyo at iba pa.
Sa briefing na ginawa sa lungsod na ito, sinabi ni Senior Supt. Cesar Binag, chief of staff ng Program Management Office (PMO) ng PNP na kapansin-pansing may kabagalan ang pagbabago “ngunit meron kahit kaunti,” kaya’t hindi, dagdag niya, imporsibleng ito’y matupad.
Kabilang sa ITP ang pag-aangat ng kakayanan ng mga pulis sa pagresolba sa krimen sa pamamagitan ng pagbili ng mga kagamitan tulad ng sasakyan, baril at mga investigation gadgets. Sa ballistic test, sabi ni Binag, ay umaabot ng apat na taon bago lumitaw ang tunay na resulta sa kasalakuyan subalit kapag nabili nila ang pinakabagong gadget ay bababa ito sa tatlong oras na lamang.
Nagpapagawa rin ng mga istasyon ng pulisya, dagdag pa niya.
Ngunit higit sa lahat, ayon sa PMO chief, ay iangat ang kalagayan ng mga pulis sa pamamagitan ng umento sa suweldo, pabahay, serbisyong medikal at iba pang pangangailangan.
Pinansin ni Binag na mula sa mahigit P8,000 basic na suweldo ng bagong pulis ay tumaas na ito sa mahigit P9,000.
Nagpahayag naman ng suporta ang samahan ng mga negosyante sa Gitnang Luzon sa naturang programa.