BOCAUE, Bulacan – Arestado ang isang lalake matapos salakayin ng mga operatiba ng CIDG- Bulacan ang illegal na pagawaan ng pailaw sa Barangay Bambang dito.
Nakatanggap ng impormasyon ang nga operatiba na illegal na gumagawa ng mga pailaw ang naarestong suspek na kinilalang si Alejandro Roberto, residente ng nasabing lugar.
Nang salakayin ang pagawaan ay tumambad sa mga otoridad ang bulto-bultong mga finished product ng mga pyrotechnic.
Ayon kay Supt. April Mark Young, provincial officer ng CIDG-Bulacan, walang naipakitang mga kaukulang dolumento o permit ang suspek.
Napag-alamanan din nilang may nagdadalang mga label sticker sa suspek upang magmukhang legal ang mga pailaw na ibinebenta nito.
Pawang substandard aniya ang mga ginawang pyrotechnic ng suspek dahil hindi ito sumunod sa tamang proseso.
Aminado naman ang suspek na walang kaukulang papeles ang kaniyang hanapbuhay na dalawang taon na niyang ginagawa.
Nakaditene ang suspect sa CIDG Custodial Facility at inihahanda na ang kaso na isasampa sa kanya na paglabag sa Pyrotechnic Law of the Philippines.