Home Headlines Pag-imbak ng tubig sa Pantabangan Dam patuloy

Pag-imbak ng tubig sa Pantabangan Dam patuloy

942
0
SHARE

(Photo grabbed from web)

CABANATUAN CITY – Patuloy na nag-iimbak ng tubig sa Pantabangan Dam ang National Irrigation Administration Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) sa pag-asa na maabot nito ang target na 210 meters na water elevation sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre.

Sa ngayon kasi ay nasa lampas 201 meters pa lamang ang elevation ng Pantabangan Dam dahil sa mabagal na buhos ng ulan sa lugar, ayon kay NIA-UPRIIS department manager Engineer Rose Bote.

Dahil dito ay hindi sila nagpapalabas ngayon ng tubig mula sa dam at sa halip ay pawang sa local flows na lamang sila kumukuha para sa kaunting pangangailangan lalo’t nagsisimula na naman ang anihan sa Nueva Ecija.

Batay sa datus ng UPRIIS, nasa 34 cubic per second kada araw ang average na inflow o pasok ng tubig sa dam ngayong normal ang kalagayan ng panahon.

Kung maabot ang 210 meters sa Oktubre ay kampante ang UPRIIS na mapadadaluyan nito ng tubig-irigasyon ang mahigit sa 133,000 hectares na service area nito.

“Ang projection namin na 210 (meters), pagka kasi elevation 210 tayo ng after wet season, assured kami nang 100 percent yung 133,000 hectares ay mapapatubigan natin this coming dry season 2020. So yun ang basis namin,” saad ni Bote.

Samantala, ang UPRIIS ang kauna-unahang ahensiya ngayon ng gobyerno na nakakunekta sa PAG-ASA upang magkaroon ng kumpletong data hinggil sa sitwasyon ng tubig sa lahat ng dam sa Luzon.

Napakahalaga raw nito para sa pagkakaroon ng real time na impormasyon na magagamit sa anumang hakbang na kailangang gawin sa panahon ng kalamidad.

Nasasagot rin nito nang sigurado ang mga tanong ng media sa panahon ng tagulan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here