Nahaharap sa krisis ang bansa, kaya naman lalong dumarami ang naghihintay sa mga hakbang na gagawin ng gobyerno upang ito’y tugunan.
Mas marami ang nag-aabang sa stimulus package na ipinangako ng gobyerno.
Bakit hindi? Ang laking pera noon. Aabot daw sa P100-B. Hindi na natin kayang bilangin iyon.
Babala naman ng iba, dapat bantayan ang stimulus package, baka sa mga kamay ng ‘koriyano’ mahulog.
Hindi yung mga singkit at mukhang Tsino na mga taga-South Korea ang aking mga tinutukoy..
Sa halip ay yung mga taong kasapi ng “koriyan society.” Sila yung mahihilig sa “komisyon ko riyan,” “kaparte ko riyan”, “patong ko riyan,” at “tong ko riyan.”
Ayon sa mga opisyal, kayang-kayagn harapin ng mga Pinoy ang kinakaharap na krisis.
Kasi naman, hindi na naubusan ng krisis ang bansa mula pa noong panahon ng Kastila.
At batay na rin sa kasaysayan, hindi dapat palaging umasa sa mga opisyal ang mga Pinoy upang makaahon sa krisis.
Ito naman ay pinatunayan ng University of Regina Carmeli sa Lungsod ng Malolos, ang isa sa pangunahing pamantasang katoliko sa Bulacan.
Mula sa pagiging isang kolehiyo, ang URC ay naging isang ganap na pamantasan at ngayon ay patuloy na umaani ng parangal ng hindi umaasa ng tulong sa gobyerno. Narito ang kanilang istorya.
Naungusan ng University of Regina Carmeli (URC) ang mga pamantasan sa bansa ng kanilang tanggapin ang parangal na Outstanding Higher Education Institution (HEI) Extension Program kamakailan.
Ayon kay Dr. Belen De Jesus, ang executive vice president ng URC, ang nasabing parangal at ipinagkaloob ng Commission on Higher Education (CHED) sa Seameo-Innotech in Diliman sa Lungsod ng Quezon noong Disyembre.
Ang pagbibigay ng CHED ng parangal ay kaugnay ng kanilang isinagawang kauna-unahang pambansang search for HEI research and outstanding extension programs.
Sinabi ni De Jesus na ang nagwaging extension program ng URC ay iprinisita sa pamamagitan ng project paper na may titutlong “The University of Regina Carmeli (URC) Community Development and Extension Program and its Organizational Feature”.
Tinampukan ito ng pangunguna ng URC sa pagtatayo ng isang pampamayanang pagamutan sa bayan ng Plaridel kung saan ang kanilang mga estudyante ay nagsasagawa ng pagsasanay.
Ayon kay De Jesus, ang search for outstanding HEI research and extension program ng CHED naglalayon na bigyang pagkilala ang mga nagsasagawa ng mga institusyong nagsasagawa ng extensioin program.
Bilang project director ng URC extension program, si De Jesus inagapayan nina Sr. Niceta M. Vargas, OSA, president eng URC at tagapamuno sa Community Extension Services nito; Dr. Catalino Rivera, consultant ng Barasoain Center for Innovative Education; Dr. Renato Peralta, ang director ng Plaridel Emergency Hospital; at ni Racquel de Jesus.
Bukod sa plake ng pagkilala, ang URC ay tumanggap din ng P300,000 insentibo.
Narito pa ang isang accomplishment ng URC.
Pinagkalooban ng Level III Accreditation hanggang 2012 ang Basic Education Department (BED) of the University of Regina Carmeli (URC) sa lungsod na ito ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities (PAASCU) kamakailan.
Ayon kay Sister Niceta M. Vargas, OSA, ang presidente URC, ikinagulat nila ang pagkakaloob ng PAASCU’s accreditation sa kanilang elementary and secondary programs.
Sinabi niya na nong lamang Nobyembre 2007 nakapasa ang URC-BED sa Level II re-accreditation na isinagawa ng PAASCU.
Idinagdag pa niya na noong Hulyo 2007, nakatanggap siya ng liham mula kay Concepcion Pijano, ang executive director ng PAASCU na muli nilang nirebisa ang accreditation history ng URC-BED at sinabing maari na itong muling isailalim sa akreditasuon.
“In this global crisis that we are in, one way of figuring out which school is right for a child’s education is to make sure that the student gets more in terms of learning, exposure and experience, than what he/she has paid for,” ani Vargas.
Sinabi pa niya na isa sa mga paraan upang masukat ang kalidad ng edukasyon ng isang paaralan ay sa pamamagitan ng lebel ng akreditasyon nito.
“An accreditation is a mark of quality and excellence and URC, as an advocate of transformative education, goes beyond what an ordinary university, school or college offers,” aniya.