Home Headlines Pader ng himlayan ng lumang watawat giba sa ulan

Pader ng himlayan ng lumang watawat giba sa ulan

1460
0
SHARE

MARIVELES, Bataan — Giniba ng malakas na ulan ang pader ng Himlayan ng Lumang Watawat sa isang bulubunduking barangay sa bayang ito Sabado ng hapon.

Ayon kay Al Balan, punong barangay ng Alion, bumigay ang pader ng katatayo pa lamang na lagakan ng mga lumang watawat bandang alas-3:30 ng hapon.

Hindi pa, aniya, nalalagyan ito ng mga watawat dahil nang matapos ang paggawa ng nasabing himlayan at naka-schedule na ang programa ay nanalasa  naman  ang coronavirus pandemic.

Nakatakda na sanang pasinayaan ito nina Gov. Albert Garcia at iba pang mga opisyales ng lalawigan.

“Malaking bagay sa amin sa Alion na dito napiling ilagak ang mga lumang watawat ng Pilipinas at umaasa kami na sa tulong ni governor at iba pa ay muling maisasaayos ito,” sabi ni Balan.

Umulan sa maraming bahagi ng Bataan nitong Sabado. Sa Barangay Ipag sa Mariveles ay nagkaroon pa umano ng buhawi na natanaw sa bundok sa tabi ng dagat.

Sa Balanga City at maging sa Samal ay naranasan ang katamtaman hanggang sa malakas na ulan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here