Pacman ipinagpalit na ni Ara Mina s
    a mayamang businessman

    512
    0
    SHARE
    Kung true na may rich BF ngayon si Ara Mina, tiyak, makahihinga na nang maluwag ang asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee sa balitang mayroon nang rich businessman boyfriend si Ara Mina.

    Kaya kahit malayo ngayon ang Pambansang Kamao sa piling ng asawa, na naiwan sa U.S. dahil doon ipapanganak ang kanilang bunso ni Pacman, hindi na ito magseselos sa singer/aktres. 

    Pero, kahit mayroon nang nobyo si Ara, tila hindi rin maiwasan ni Manny ang pagiging playboy. Marami pa ring lumalabas na blind items sa radio at dyaryo hinggil sa chicks na si Ara ang tinutukoy.

    Sa bagay, palibhasa si-kat at mas marami pang datung kesa sa mga pulitikong chickboy kaya lapitin talaga ang world boxing champ ng mga bebot. Sabi nga nila, ‘yon ngang walang malaking pera nakakapag-chicks ,  ang Pambansang Kamao pa na hindi na yata alam kung saan isisilid ang super-daming perang napapanalunan niya sa boksing?

    Kay Ara naman. Kaya si-guro tuluyan nang sinagot ang manliligaw na non-showbiz guy na negosyante, para maputol na rin ang tsismis sa kanila ni Manny.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here