Halos maiyak na sa sobrang inis si Ara Mina. Presscon ng announcement ng paggawa ng movie na Marino mula sa ATD Films, where she and Allen Dizon are the lead stars, hindi maiwasang magpakita na ng iritasyon si Ara dahil hindi na nito nagugustuhan ang sobrang muli na namang pali-link sa kanila ni Manny Pacquiao. Lately nga kasi, to drum up, Totoy Baton na pareho silang nasa cast ni Manny Pacquiao, ayan at kabi-kabila na naman ang mga write ups at yung walang katapusang tsismis sa kanila ng Pambansang Kamao.
“Hindi na ako masaya, hindi ko na puwedeng ipagwalang-bahala ito, sobra na. Paliwanag ako nang paliwanag sa mga tao, pero paulit-ulit, parang ayaw na nilang maniwala sa akin.
“Sana naman, si Manny, tulungan niya ako. Ako kasi, feeling ko, nakatulong naman ako sa kanya. Tinanggap ko yung movie niya tapos ganito pa ang napala ko. Hindi naman yata fair yun.
This time kailangan ko ang tulong niya, magsalita naman siya, huwag siyang mag-no comment. Siya’ng nakaaalam ng totoo dun sa ibinibintang sa amin. Isang statement lang mula sa kanya para naman di ako pagdudahan ng mga tao. Alam kong kapag siya’ng magsasalita, maiiba ang sitwasyon,” sabi pa ni Ara sa ilang reporters na dumalo sa Marino press conference na ginanap sa Golden Fortune Restaurant along T.M. Kalaw in Manila.
Isa sa mga ipinagsisintir ni Ara ay yung bahay na tinitirhan niya sa Commonwealth sa Quezon City. Pundar daw niya ito pero di niya magawang ipagmalaki ito. Paano nga raw, nabigyan ng marka yung bahay na bigay daw sa kanya ni Manny Pacquiao. “Hindi po totoo yun, pawis at dugo ang ipinuhunan ko kaya nga ang sama-sama ng loob ko sa tuwing nakababasa ako na bigay daw ito ni Manny Pacquiao.
“Isa pa, sobra namang nakakababa sa aking pagkababae yung bintang nila. Kilala nyo ako since I started, katorse anyos pa lang ako, nandito na ako. Wala po akong tatak na ganyan. Kung totoong kami ni Manny, hindi lang bahay ang hihingin ko sa kanya, sa rami ng mga problema ko ngayon, dapat sana sa kanya nalang ako lumapit para nakabayad ako ng mga utang ko,” hinagpis pa nito.
Kaya nga ngayon, nakikiusap si Ara kay Manny Pacquiao na saklolohan siya nito. “Alam mong wala kang bahay na ibinigay sa akin, bakit hindi ka magsalita, ikaw ang magsabing hindi galing sa ‘yo ang bahay ko sa Commonwealth. Pinagpaguran ko ito, kaya please lang, tulungan mo ako, lumantad ka’t sabihin mo ang totoo.”
Still on Ara Mina, medyo masakit din ang loob niya sa mga isyung nangutang siya ng milyon sa kapatid niyang si Cristine Reyes, it is all over na ang utang ni Ara kay Cristine at hindi pa niya ito mabayaran dahil purita na raw si Ara at wala ng pambayad. Puwera pa raw yung ibang utang nito sa ibang businessmen na ayon sa malisyosong tsismis at kinuha ni Ara at wala ng balak na bayaran pa.
“Inaamin ko namang may utang ako sa kapatid ko, ano naman ang masama roon. Oo, malaki ang utang ko kay Cristine pero babayaran ko naman. Nag-usap na kami ni Cristine at alam niyang nagbebenta ako ng property ko sa Tagaytay para ibayad sa kanya. Naiintindihan din ni Cristine na mahirap magbenta ng property kaya nakalaan naman siyang maghintay.
“At bakit naman ginawa nilang isyu yun, hindi ako nahihiyang ipaalam sa mundo na may utang ako.
“Kung gusto naman nila, ibebenta ko sa kanila itong rolex ko, para makabayad ako kay Cristine,” naiirita pero may kahalong birong sabi pa ni Ara Mina.
Nang kulitin naman si Ara ng mga reporter kung totoong ibebenta niya’ng kanyang rolex, natawa lang si Ara at sinabing hindi raw. “Naiinis lang ako sa kanila na ginawang isyu yung utang ko sa kapatid ko.”
Ayon pa kay Ara, milyon din daw ang halaga ng kanyang rolex at nabili niya ito noong kalakasan pa niya.
“Ganyan naman talaga ang mga artista, umabot sa puntong bumababa sila. Pero tahasan kong sinasabi na mas mayaman ako kay Cristine. Mas liquid lang siya kesa sa akin, dahil ako, naka-invest sa mga properties ang sa akin. Kulang ako sa cash, kaya nga nangutang ako sa kanya,” nahihiyang sabi ni Ara pero di raw siya nagyayabang at napilitan lang siyang magsalita para naman malaman ng tao na may pambayad siya kahit na nangutang pa siya.
Agree naman ang alalay ni Ara na si Aida at wala pa raw sa kalahati ang yaman ni Cristine kumpara ng kay Ara.
Sa isyu namang mas sikat sa kanya si Cristine, sinabi ni Ara na masaya siya para sa kanyang kapatid. “Dati kasi, naiilang si Cristine kapag ikinukumpara siya sa akin. “Pero ngayon, nakatayo na siya sa sarili niya at yun ay mahalaga sa akin. Kapatid ko siya kaya masaya ako kahit sabihin pang mas sikat siya sa akin.”
Yung tungkol naman sa bago niyang bf na pahulaan pa kung sino, napalagay na sa mga babasahin ang pangalan nito. Raymond Ilussorio Yap daw ang pangalan nito at may insinuation na scion ito ng pamilya Yap na may ari ng Manila Bulletin at ng Manila Hotel. Nang ipaalam namin kay Ara ang tungkol dito, determinadong sinabi ni Ara ang ganito. “Hanggang ngayon, gusto kong protektahan ang identity niya. Hindi ko inaamin na siya yung nasulat na pangalan. Para sa akin, ayoko pa ring sabihin kung sino siya at kung ano ang linya ng kanilang business. Darating din ang panahong sasabihin ko kung sino siya.
For now, let him live in peace. Hindi siya showbiz kaya spare him from the intrigues,” pakiusap pa ni Ara Mina.
Kahit sobrang yaman daw ng bago niyang boyfriend, hindi ang pera nito ang tinitingnan niya. “Ako kasi, hindi isyu sa akin ang pera. Kahit saang bagay, malinaw yan. I love the guy dahil napatunayan kong gentleman siya at kaya niya akong sakyan. Hindi yung pera niya. Kung pera lang, sana nagpatulong na ako sa kanya sa mga financial problems ko, pero hindi nga ako tumitingin diyan,” patuloy na kuwento pa ni Ara.
Sinabi rin ni ara na puwdeng ito na ang lalaking pakasalan niya pero tila na malayo pa yun ngayon dahil marami pa itong dapat asikasuhin. “Tiyak kong siya na, kung darating ang panahong pakakasal na kami, I am sure, I am ending up with the right guy.”