Home Headlines Pabasa ng Pasyon nagsimula na

Pabasa ng Pasyon nagsimula na

1583
0
SHARE

Simula ng Pabasa ng Pasyon sa simbahan ng IFI. Kuha ni Ernie Esconde


 

SAMAL, Bataan — Sinimulan na ng mga kasapi ng Iglesia Filipina Independiente sa bayang ito ang Pabasa ng Pasyon ngayong Martes na ginugunita ang buhay at mga paghihirap ng Panginoong Hesus hanggang Siya’y mamatay sa krus at muling mabuhay makalipas ang tatlong araw.

Ito ang kauna-unahang pampublikong pabasa mula nang magkaroon ng pandemya dulot ng coronavirus disease noong 2019.

Ang pabasa ay ginaganap sa loob ng IFI Church o Aglipay Church sa ilalim ng Sta. Catalina parish sa bayan ng Samal. Sinasaliwan ng gitara at drums ang paawit na pagbasa ng Pasyon.

Inaasahang magsusulputan ang mga replica ng kalbaryo sa Samal at sa ibang bayan ng Bataan kung saan karaniwang ginaganap ang mga pabasa simula sa Lunes Santo (Abril 11) hanggang Biyernes Santo (Abril 15).

Nabanggit ni Samal Mayor Aida Macalinao na pahihintulutan na ngayong Mahal na Araw ang mga penitensiya, pagtatayo ng kalbaryo at pabasa at cenakulo na ilang taong nahinto dahil sa pandemya.

Tulad ng inaasahan, magdidilim ang mga kalsada sa dami ng mga manggagapang, mandurugo, at magpapasan ng krus sa darating na Huwebes at Biyernes Santo.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here