Paaralan sa Subic naabo sa sunog

    406
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales – Hindi na nagawang kantahin ang Pambasang Awit ng Pilipinas ang may libong estudyante ng Calapacuan Elementary School makaraan itong tupukin ng apoy noong Lunes ng madaling araw.

    Sinabi ni Pelagio Matiga, security guard ng paaralan, nakita nito ang sunog bandang 1:50 ng madaling araw sa silid-aralan ni Josephine Abundo, isang guro, kung kaya dali nitong binuksan ang pintuan ng gate at kaagad na tumawag ng saklolo at tumawag ng bumbero.

    Ayon kay Isidro Batute, school principal, ng nasabing paaralan, aabot sa P4-milyong pisong halaga ang pinsala ng sunog sa may 24 na classroom kung saan ito ay ginagamit na silid aralan ng may 1,431 na mag-aaral sa elementary mula grade 1 hanggang grade 6.

    Idinugtong pa ni Batute na tanging ang anim na silid-aralan ang hindi natupok ng apoy. Ito ay ang Principal Office at ang 5 extention rooms mula grade 2, 3 at 4.

    Maging ang bagong gawang gusali ng library na kabubukas lamang nito ng nakaraang buwan ay nilamon din ng apoy.

    Nakaantabay naman ang ilang guro sa labas ng paaralan at hinihintay ang instruction ng kanilang principal, matapos na suspindehin ang klase.

    Sinabi naman ni Calapacuan barangay captain Orlando Timbol na pansamantalang ipagagamit ang covered court ng nasabing barangay, maging ang stage at session hall ay maaring gamitin pansamantala ng eskwelahan para huwag maantala ang klase ng mga estudyante.

    Ayon naman kay Senior Fire Officer III Jose Borlagdatan, kanila pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

    Ayon sa ilang residente ng barangay Calapacuan, nauna ng tinangkang sunugin ang nasabing paaralan noong Oktubre 15 bago ganapin ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election matapos na makarekober ng ilang basahan na ibinabad sa gas sa loob ng eskwelahan.

    Kaugnay nito nakipagugnayan na sa DepEd Central Office si Perlita Basa, school division superintendent para mabigyan ng alokasyon sa pagpapagawa sa nasunog na eskwelahan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here