Home Headlines Paaralan lubog sa baha kahit walang ulan, mga guro lumulusong sa tubig...

Paaralan lubog sa baha kahit walang ulan, mga guro lumulusong sa tubig papasok 

931
0
SHARE

Bukod sa facemask na panlaban sa Covid-19 ay nagsusuot ng naman bota ang mga guro sa lubog na Bulihan Elementary School para iwas sa leptospirosis at skin diseases.


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Hupa na ang pag-ulan dahil sa nakaraang bagyuhan ngunit lubig pa rin sa hanggang tuhod na baha ang Bulihan Elementary School sa lungsod na ito.

Ang mga guro sa paaralan ay lumulusong na lang sa tubig papasok ng kanilang nga classrooms.

Ayon kay Damaso Educalan, principal ng Bulihan Elementary School, mabuti na lamang aniya na modular ang sistema ngayon dahil mga magulang ang magtutungo sa paaralan upang kunin ang mga modules

Ang mga guro naman ay itinaas na ang mga gamit kung papasukin ng tubig ang kanilang silid-aralan.

Aniya, kung uulan pa sa mga susunod na araw ay inaasahan na mas tataas pa ang tubig.

Samantala, ayon sa pamahalang barangay ng Bulihan, ang pagbabaw ng mga ilog ang dahilan kaya’t nababad sa baha ang nasabing paaralan.

Ayon kay barangay chairman Cris De Jesus, pang-apat na araw na ang baha sa kanilang lugar kahit pa wala nang ulan.

Pinangangambahan rin nila na baka tumagal pa ng tatlong linggo ang tubig baha na may taas na 2 hanggang 3 talampakan lalo na sa mga tabing ilog kapag nag-high tide.

Malaki na kasi, aniya, ang ibinabaw ng mga kailugan at umaapaw na ang tubig sa kanilang barangay kapag high tide at nasabayan pa ng ulan. Sa katunayan ay pinasok na rin ng tubig ang kanilang barangay hall at inilabas nila ang mga computer upang maipagpatuloy ang mga transaction ng barangay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here