HAGONOY, Bulacan – Anong istorya?
Ito ang karaniwang tanong sa akin ng beteranong mamamahayag na si Jose L. Pavia, ang aming publisher at punong patnugot sa Mabuhay, isang lingguhang pahayagan na nakabase sa Bulacan.
Kahit naisulat at naipadala ko na sa pamamagitan ng email ang balita, iyon pa rin ang tanong sa akin ng aking punong patnugot na mas kilala sa tawag na “JLP.”
Noong una, inisip ko na hindi pa niya nabasa ang aking ulat. Ngunit nagkamali ako. Habang ikinukuwento ko sa kanya sa pamamagitan ng telepono, mayroon siyang dagdag na tanong.
“Bakit wala iyon sa balita mo,” tanong sa akin ni JLP kapag may nabanggit akong detalye na hindi ko naisulat sa aking ulat.
Iyon ay simula pa lamang dahil kapag nakita niya na maganda ang dagdag na detalye, mayroon din siyang dagdag na utos.
“Dagdagan mo pa yan, tanungin mo uli yung iba pang source mo, gawan mo ng side bar, hihintayin ko,” aniya.
Hindi lang ako ang nakaranas ng sunod-sunod na utos ni JLP. Maging ang higit beteranong mamamahayag na sina Ka Nene Bundoc Ocampo at Ben Cal ng Philippine News Agency (PNA) ay nagdaan din sa ganoong sitwasyon, o higit pa.
“Perfectionist si JLP,” ani Ka Nene na nagdaan din sa Mabuhay at PNA na kapwa pinamunuan ni JLP.
Ngunit ang pagiging perfectionist ni JLP ay may mas malaking layunin na kung hindi mo makikita at mauunawaan, maaaring sumuko ka kaagad.
Nais niya na higit na mapataas ang antas ng kakayahan ng kanyang mga mamamahayag, upang saan man makarating ay may sapat na kakayahan na pakikinabangan.
Ilan sa mga nakausap kong mamamahayag na dumaan sa “pagsasanay” ni JLP ay sina Teddy Cecilio ng PNA-California Bureau at Rene Acosta ng pahayagang Today na ngayon ay Manila Standard Today.
Si Cecilio ay nagmula sa bayan ng Balagtas at ayon na rin kay JLP, isa sa pinakamagaling na mamamahayag na napasailalim sa kanyang pagsasanay.
May kakayahan si Cecilio na magsulat sa wikang Ingles at Pilipino. Para daw radyo si Cecilio na kapag nasa AM band na nagsasalita ng tagalog at inilapat mo FM Band ay magsasalita ng Ingles.
Ngunit ang hinangaan ni JLP kay Cecilio ay ang kakayahan nitong iskupan sa anumang media coverage ang sinumang mamamahayag sa kanyang panahon.
Si Cecilio ay hindi ko nakaharap ng personal, pero madalas kaming mag-usap sa telepono noong ako ay nasa Chicago, Illinois dahil nagsu-subscribe kami noon sa PNA para sa pahayagang Philippine Messenger na aming inilalathala noong dekada 90.
Sa aking pagsusulat sa Mabuhay simula noong Enero 2004, hindi ako pinabayaan ni JLP. Ginabayan niya ang aking panulat at isinama sa iba-ibang pagsasanay na isinagawa ng Philippine Press Institute (PPI).
Ipinakilala rin niya ako sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.
Isa sa kanila ay si Maricel Dayag, ang nagsisilbing sekretarya at lay-out artist ng Mabuhay na ang mga unang mga buwan ng paglilingkod ay namarkahan ng luha, ngunit hindi nagtagal ay naperpekto rin niya ang kanyang trabaho.
Totoo, sa pamamahayag man o hindi, ang nais ni JLP ay perpekto ang trabaho. Ngunit sa Mabuhay, iisa lamang ang perpekto – walang iba kung hindi si Perfecto “Ka Peping” Raymundo” na siyang nag-imbita sa akin upang magsulat sa Mabuhay.
Si Ka Peping ay ang isa sa mga orihinal na kasama ni JLP ng kanilang itatag at unang ilathala ang Mabuhay noong Enero 1980.
Si Ka Peping naman ang nagkuwento sa akin kung gaano katatag ang paninindigan ni JLP.
Sinabi niya na may pagkakataon na may isang negosyanteng nagtangkang bilhin ang Mabuhay noong dekada 90. Ngunit tinanggihan ito ni JLP dahil sa ang nasabing negosyante ay sangkot sa operasyon ng jueteng.
Kahit na higit ang katandaan sa akin nina Ka Peping at JLP, nakikipagbiruan din sila. Higit sa lahat, nakahanda silang tumanggap ng komento, maganda man o hindi.
Katunayan, matapos akong hikayatin ni JLP na simulan ang pitak na “Promdi” sa Mabuhay noong 2004, sinabi niya na maging siya ay maaari kong batikusin.
Siya rin ang humikayat sa akin na ipagpatuloy ang mga nakakakiliting kuwento ng buhay sa pitak na “Promdi.”
Ngunit kapag may nabanggit akong “kalbo” sa Promdi, pabiro niya akong tinatanong, “ako ba ang pinatutungkulan mo?”
Masaya, mahirap ngunit kapaki-pakinabang ang panahon na pinagsamahan namin ni JLP sa Mabuhay. Sa huli naming pag-uusap sa teleponon noong Enero o Pebrero, isa lang ang kanyang hiniling sa akin bukod sa pagpapatuloy ng pagpapataas ng antas ng aking kakayahan sa pamamahayag.
“Huwag mong papabayaan ang Mabuhay,” aniya na sa aking pandinig noon ay parang nagpapaalam na siya.
“Wag po kayong mag-aalala,” ang aking sagot sa kanya at mas umaliwalas ang kanyang tinig na ang pakiramdam ko ay kanyang ikinatuwa.
Sa pagpanaw ni JLP nitong Lunes Santo, naninindigan pa rin ako sa aking pangako na alam ko’y di magbabago.
Alam ko masaya siya ngayon, ngunit lumuluha pa rin ang aking kalooban dahil alam ko, hindi ko na maririnig ang kanyang tinig na nagtatanong ng “anong istorya?”