Home Headlines P512-K electric bill sa 1 bentilador, 2 PC itinama

P512-K electric bill sa 1 bentilador, 2 PC itinama

737
0
SHARE
Maling electric bill. FB photo

SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Sa social media idinaan ng isang residente ng Cabiao, Nueva Ecija ang kanyang pagkabigla nang matanggap ang bill ng kuryente para sa kanyang konsumo ng Setyembre: P512,094.

Sa post ng netizen mula sa Barangay San Gregorio ng naturang bayan, mayroon lamang siyang gamit na isang electric fan at dalawang computers kaya labis ang kanyang pagtataka sa bill ng Nueva Ecija 1 Electric Cooperative.

Batay sa resibo, nakakunsumo ang consumer ng 30,051 kilowatts sa loob ng 30 araw. Ang kanyang due date ay Oct. 14 at Oct. 16 naman ang disconnection schedule.

Nitong Lunes ay naglabas ng opisyal na pahayag ng NEECO 1 hinggil sa insidente kung saan ibinahagi ang ginawang aksiyon ng kooperatiba sa reklamo ng consumer.

Ayon sa pahayag, lumabas sa kanilang pagsusuri na “ang metro ng apektadong member-consumer-owner ay sira o defective.”

Tinungo ng kawani ng NEECO 1 ang nasabing member-consumer-owner upang maipaliwanag nang maayos ang nangyaring insidente.

“Bilang aksyon, itatama at gagawan ng correction ang naitalang konsumo at papalitan ang sirang metro nito nang libre,” ayon sa pahayag.

“Inaako ng pamunuan ng NEECO 1 ang pagkakamaling ito at nangangakong mas paiigtingin ang pagpapaalala sa mga kawani nito na maging mas maingat sa pagtupad sa tungkulin upang maiwasan ang naturang insidente,” dagdag nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here