Home Headlines P5.1-B high grade shabu nasamsam: 1 Chinese, 2 Pinay timbog

P5.1-B high grade shabu nasamsam: 1 Chinese, 2 Pinay timbog

916
0
SHARE

Ang mga suspek at ang natuklasan na warehouse-apartment na may lamang 750 kilo ng shabu. Kuha ni Rommel Ramos



MARILAO, Bulacan — Nasamsam ng
pinagsanib na puwersa ng PNP at PDEA ang nasa 750 kilos ng imported high-grade shabu na may estimated street value na P5.1 billion sa isang warehouse-apartment sa Meralco Village, Barangay Lias sa bayang ito nitong Huwebes, June 4.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, malawak ang operasyon ng natuklasan at dito aniya posibleng binabagsak ang mga imported na shabu na ibinebenta sa ibat-ibang lugar hanggang sa Visayas at Mindanao.

Bago ang raid ay nagsagawa ng surveillance at nag-test buy ang mga otoridad at nang magpositibo ay agad itong sinalakay kung saan ay naaresto ang mga suspek na sina Yuwen Cai, Chinese national, at magkapatid na Pinay na sina Angela Miole Tulio at Ma. Lyn Tulio.

Ayon kay Gamboa, kasama din sa posibleng sampahan ng kaso ang may-ari ng paupahang bahay.

Ayon naman kay PDEA director general Wilkins Villanueva, iniimbestigahan pa ngayon kung maykaugnayan itong warehouse sa Marilao sa nauna nang operasyon kahapon sa Sta Rosa Laguna kung saan naaresto ang Chinese national chemist na si Samson Tan.

Depensa ni Angela na live-in partner lamang niya si Cai at hindi niya alam na sangkot ito sa ilegal na droga.

Habang kakadating lamang daw ng araw na iyon ng kanyang kapatid na si Lyn at nadamay lamang nang salakayin ng mga otoridad ang bahay at wala silang alam sa ilegal na gawain ni Cai.

Samantalang inihahanda na ng mga otoridad ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek habang patuloy pa ang imbestigasyon dito at pagtukoy sa kinaanibang grupo ng mga nahuli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here