P4-M donasyon ng Bulacan sa Marawi

    689
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS — Nagbigay ng P4 milyong donasyon pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi.

    Ibinigay ni Gov. Willy Sy Alvarado ang cheke kina Justice Sec. Vitaliano Aguirre, presidential spokesperson Ernesto Abella at Defense Sec. Delfin Lorenzana para ihatid naman sa mga nabiktima ng gyera sa Marawi.

    Bukod sa pera ay nagbigay din ang Bulacan ng mga pagkain at mga damit na mula sa donasyon ng mga Bulakenyo.

    Samantala ay nag-alay din ng panalangin para sa Marawi ang nagsama-sama na ibat-ibang mga relihiyon sa Bulacan.

    Hiling sa ecumenical prayer ang ikatatahimik ng Marawi mula sa kaguluhan.

    Idineklara ng Kapitolyo ang araw ng Miyerkules bilang Bulacan Day of Prayer for Marawi City.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here