Home Headlines P374-K shabu nasamsam, 2 timbog

P374-K shabu nasamsam, 2 timbog

737
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Umaabot sa P374,000 na halaga ng shabu ang nasamsam at dalawang suspek ang nabuslo sa buy-bust operation na isinagawa ng lokal na pulisya sa Barangay Mayapyap Sur ng lungsod na ito nitong Huwebes, ayon sa pulisya.

Ang mga suspek na kapwa umano nasa watchlist ng pulisya ay inilarawan bilang isang 28-anyos na lalaking residente ng naturang barangay at isa pang 42-anyos na lalaki na mula naman sa Barangay Padre Crisostomo ng lungsod ding ito.

Ayon kay Col. Richard Caballero, provincial police director, matagumpay na nakabili ang mga undercover na operatiba ng isang sachet ng shabu gamit ang markadong P1,000 bill mula sa mga suspek.

Matapos masakote ay nakuha umano ng mga operatiba mula sa unang suspek ang anim na sachet na tumitimbang ng 53 gramo ng shabu at mula sa ikalawa ay isang sachet na tumitimbang naman ng .9 gramo, ayon kay Caballero.

Sa kabuuan ay nasa 55 gramo ang nasamsam sa dalawa, ayon pa sa PNP.

Ang mga suspek ay nakaditine ngayon sa male custodial facility ng Cabanatuan City Police Station habang nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here