Home Headlines P3.5-M abandonadong kargamento sinira ng BOC

P3.5-M abandonadong kargamento sinira ng BOC

486
0
SHARE

ANGAT, Bulacan — Tinatayang nasa P3.5 milyong halaga ng mga tsokolate, candies at helmet na nakumpiska ng Bureau of Customs noong 2014 ang sinira sa Zafra Feeding Mill sa Barangay Taboc dito.

Ang mga kargamentong ito ay pawang mga inabandona noon pang 2014 na galing sa bansang Tsina ngunit walang pagkakakilanlan kung sino ang nagpasok nito sa bansa.

Bilang bahagi ng disposal ay isaisang isinalang sa gilingan ang naturang mga produkto na na-expired sa pantalan dahil walang kumukuha sa kargamento.

Ayon kay Jeremias Leaño, administrative aide 1 ng BOC, kaya inabandona ang mga kargamento ay dahil walang lisensya galing sa BFAD ang mga ito.

Kailangang mai-disposed nang maayos ang mga pagkain dahil maaaring kumalat ang mga produkto sa mga pamilihan na magiging delikado sa mga taong makakabili, anya.

Sinabi ni Leaño na noong 2011 naman ay dumating sa bansa ang mga helmet ngunit ang deklaradong laman nito ay houseware.

Wala ding kaukulang papeles ang kargamento dahilan para hindi ito mabigyan ng ICC markings.

Kung walang markings ay ikokonsidera itong substandard.

Isa-isang inipit bago paluin ng maso ang mga helmet.

Dahil kung makakalabas ito sa market ay magiging peligro sa buhay ng mga riders.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here