Home Headlines P240-M tulay itatayo sa NE

P240-M tulay itatayo sa NE

1413
0
SHARE

Ang groundbreaking sa pagpapatayo ng tulay sa pangunguna nina Nueva Ecija 1st District Rep. Estrellita Suansing at Mayor Imee De Guzman. Kuha ni Armand Galang


 

STO. DOMINGO, Nueva Ecija –  Inaasahan ngayon ang magaan at mabilis na transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura sa bayang ito dahil sa konstruksiyon ng P240-milyon na tulay sa Barangay San Agustin.

Nitong Biyernes ay pinangunahan nina Nueva Ecija 1st District Rep. Estrellita Suansing at Mayor Imee De Guzman ang groundbreaking ng tulay na tatawid sa bahagi ng malawak ng Talavera River, mula Barangay San Agustin patungong bayan ng Talavera.

Bukod sa pagbibiyahe ng mga kalakal, mapapadali rin at makababawas gastos para sa mga estudyante ito sailang magkakalapit na barangay., 

“Alam naman natin na ang mga produkto dito aydinadala pa sa Talavera. At saka yung mga bata talaga na nag-aaral,” paliwanag ng mambabatas. Wala pa kasi aniyang high school sa bahagi ng mga barangay Concepcion, San Agustin, at San Fabian.

Nasa Talavera rin ang Nueva Ecija University of Science and Technology kung saan pumapasok ang maraming kabataan sa kolehiyo. 

Dahil sa tulay na inaasahang matatapos sa Disyembre ngayong taon ay hindi na na kailangan pang umikot sa tulay ng Barangay Sicsican, sa kahabaan ng Maharlika Highway, ang mga estudyante at magbibiyahe ng produkto.

Si Suansing ay nasa kanyang ikatlong termino kaya naglakas-loob na, aniya, siyang lumapit kay Sen. Christopher Lawrence “Bong Go” para maisakatuparan ang nasabing proyekto na matagal nang pinangarap ng mga residente doon. 

Kaya labis ang kanyang pasasalamat sa senador nang ito’y mapondohan.

“Hindi lang ako ang may pangarap (ng tulay) kundi ang mga kababayan natin.” Ibinilin pa ito, sabi niya, ni dating Rep. Renato Diaz matapos na siya (Suansing) amg manalo sa kanilang laban noong una niyang termino.

Sina Marciana Andres at Dominga Corpuz, kapwa 60-anyos, ay estudyante pa lamang daw nang pangarapin nila na maayos ang kalsada at magkaroon ng tulay sa kanilang lugar.

Ang konkretong kalsada, na patungo sa gagawing tulay, ay pinasinayaan naman nito ring Biyernes.

“Masayang-masaya kami,” pahayag nila. 

Nilahukan rin  ang magkasunod na aktibidad ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways,mga opisyal ng barangay at ni Mika Suansing, anak ng mambabatas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here