Home Headlines P224K ayuda, tinanggap ng mangingisdang Masantoleño mula sa BFAR

P224K ayuda, tinanggap ng mangingisdang Masantoleño mula sa BFAR

624
0
SHARE
May 224 libong pisong halaga ng ayuda ang tinanggap ng mga mangingisdang Masantoleño mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. (BFAR)

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) – May 224 libong pisong halaga ng ayuda ang tinanggap ng mga mangingisdang Masantoleño sa Pampanga mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.

Kabilang sa mga kagamitang pangkabuhayan na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ang 15 lambat, siyam na solar lights, isang smoke house at mga aparatong kalakip nito, isang set ng fish vending equipment, at apat na pond preparation inputs.

Ayon kay BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, layunin nito na tulungang madagdagan ang kita ng mga mangingisda.

Isa rin itong istratehiya upang makamit ang seguridad sa pagkain sa rehiyon.

Sa ngalan ng lahat ng mga benepisyaryo, nagpasalamat si Mayor Jose Antonio Bustos sa patuloy na pag-alalay ng BFAR sa mga mangingisda ng munisipalidad.

Aniya, malaking tulong ang mga kagamitang natanggap ng mga mangingisda upang lalo nilang mapalago ang kanilang kabuhayan at upang may mapagkunan sila ng pangkain sa araw-araw. (CLJD/MJSC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here