Home Headlines P20K halaga ng gamot kada taon sinimulan nang sagutin ng PhilHealth sa...

P20K halaga ng gamot kada taon sinimulan nang sagutin ng PhilHealth sa Bulacan

135
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Inilibre na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang P20,000 halaga ng suplay ng gamot sa bawat pasyente kada taon.

Iyan ang biyaya na hatid ng programang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) na pormal nang inilunsad sa Bulacan.

Tiyak nang libre ang P20,000 halaga ng gamot sa loob ng isang taon dahil sa programang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ito ay para sa bawat pasyente na magpapa check up sa mga klinikang rehistrado ng PhilHealth sa ilalim ng programang Yaman ng Kalusugan. (Shane F. Velasco/PIA 3)

Nagsilbing pilot area nito ang Telecure Clinic and Pharmacy sa Barangay San Vicente sa Lungsod ng Malolos na binuksan kasabay ng pagdiriwang ng Ika-31 Taong Anibersaryo ng ahensya.

Paliwanag ni PhilHealth Region III-Branch B Acting Manager Arlan Granali, basta’t ang pasyente ay nakapagpa check up sa mga medical provider na accredited ng ahensya sa ilalim ng programang Yaman ng Kalusugan (YAKAP), libreng makukuha nito ang mga medisina sa mga botikang rehistrado sa programang GAMOT.

Aabot sa 75 uri ng gamot ang saklaw ng naturang programa partikular sa mga pangangailangan sa mga may sakit na diabetes at high blood o alta presyon.

Ang magkaugnay na mga programang YAKAP at GAMOT ay pawang mga flagship program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapatupad ng Republic Act 11223 o Universal Health Care Act. (CLJD/SFV, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here