LUNGSOD NG CABANATUAN – Tinatayang P208,420 halaga ng shabu ang nasamsam at limang suspek ang nasakote sa anti-illegal drugs operations ng Nueva Ecija police nitong Martes.
Batay sa ulat na natanggap ni Col. Ferdinand Germino, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station ay nagsagawa ng buy-bust operation sa Purok 1, Barangay Aduas Sur, kung saan naaresto ang dalawang hinihinalamg tulak ng droga.
Nasamsam mula sa kanila ang 25.30 grams ng sinasabing shabu na nagkakahalaga ng P172,040, ayon kay Germino. Ang CCPS ay pinamumunuan ni Lt. Col. Renato Morales, chief of police.
Samantala, Tatlong hinihinalang pisher ang naaresto rin ng mga operatiba ng Gapan City Police Station, Peñaranda Police Station, at Bongabon Police Station sa maghahahiwalay na buy bust operations.
Nasa 5.35 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P36,380 ang nakumpiska mula sa mga suspek, sabi pa ng pulisya.
Nakaditine ngayon ang mga suspek sa mga custodial facility mga lokal na pulisya habang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).
“We will never be tired of hunting these drug traders and make Nueva Ecija a drug-free province, sabi ni Germino. Contributed photo