Home Headlines P2-M tulong pinansyal ng Bulacan Capitol sa mga nasalanta ng bagyong Odette

P2-M tulong pinansyal ng Bulacan Capitol sa mga nasalanta ng bagyong Odette

884
0
SHARE

Si Gov. Daniel Fernando ng ianunsyo sa media ang pamimigay ng tulong sa mga nabiktima ng Bagyong Odette.


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Magpapadala ng P2-M tulong pinansyal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan bilang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Hahatiin ng P2-M sa tig-P500,000 para sa mga lalawigan ng Cebu, Bohol, Palawan at Surigao Del Norte.

Ito ay inisyal na tulong lamang ng kapitolyo ayon kay Governor Daniel Fernando na ipapadala sa pamamagitan ng e-money transfer.

Ang pondong inilaan ay mula sa disaster fund ng Kapitolyo.

Kasunod nito ay nanawagan din si Fernando sa mga Bulakenyo na magbigay tulong din sa mga kababayang nasalanta ng Bagyong Odette at maaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here