Home Headlines P2-K bawat tricycle driver mula LGU

P2-K bawat tricycle driver mula LGU

1647
0
SHARE

Pamamahagi ng financial assistance. Photo courtesy of Balanga City LGU



LUNGSOD
NG BALANGA — Nagsimula nang mamahagi ng financial assistance ang pamahalaang panglungsod sa may 2,000 tricycle drivers na residente dito.

Sinabi ni Mayor Francis Garcia ngayong Huwebes na ang bawat tricycle driver ay nagsimula nang makatanggap ng P2,000 na aprubado ng sangguniang panglungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Vianca Gozon.

Upang matiyak, aniya, ang maayos na pagpapatupad ng social distancing, ang pamimigay ng tulong ay ginanap sa iba’t ibang covered courts ng mga barangay. Naglaan din umano ng kanyakanyang iskedyul sa bawat grupo ng mga tricycle drivers.

“Layunin ng pamahalaang panglungsod na mahatidan ng tulong ang mga tricycle drivers lalo na sa panahong naging limitado ang kanilang pamamasada dahil sa coronavirus disease,” sabi ni Garcia.

Inaasahan din, aniya, ang panibagong pagpapatala ng mga tricycle drivers upang ang lahat ay mabiyayaan ng tulong.

Nagtulongtulong ang city licensing, permit and franchising office at city treasurer’s office upang maging maayos at mabilis ang pamamahagi ng tulong.

Nang isailalim ang Bataan sa general community quarantine, pinayagan ang mga tricycle sa Balanga na mamasada ngunit by color coding at isa lang ang pasaherong pwedeng isakay.

Samantala, ilang operators ng tricycle ang humihiling na sana sila man ay pagkalooban din ng tulong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here