Home Headlines P2.65-M shabu sa coffee bean pouches naharang sa Clark

P2.65-M shabu sa coffee bean pouches naharang sa Clark

158
0
SHARE

CLARK FREEPORT – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark ang apat na supot ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.652 million nitong Jan. 8.

Ang nasabing kontrabando ay nakapaloob sa kargamento galing Estados Unidos na  idineklara bilang “Mga Regalo na Mga Bag ng Kape (Iba-ibang tatak), Candy o Snacks.”

Bago ito dumating sa bansa, ang kargamento ay na-flag ng X-ray inspection project para sa physical examination. Sa isinagawang examination noong Dec. 19, 2024, natagpuan ng nakatalagang customs examiner ang ilang regalo at mga bag ng kape.


Sa karagdagang imbestigasyon, apat na bag ng kape ang natagpuang naglalaman ng apat na vacuum-sealed transparent na pouch ng shabu na tumitimbang ng 390 gramo.

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency sa pamamagitan ng laboratory analysis na ang substance ay shabu.
Kasama sa joint physical examination ang mga kinatawan ng PDEA Regional Office III, PNP Aviation Security Unit General Aviation, PNP Drug Enforcement Group III, NBI Pampanga, at barangay officials ng Dau, Mabalacat City.

Ang kargamento ay isinailalim na sa warrant of seizure and detention dahil sa paglabag sa RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), na may kaugnayan sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). Photos: BOC-Port of Clark

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here