Home Headlines P19/kilo ng palay sa NFA walang kita ang magsasaka; P22/kilo bili ng...

P19/kilo ng palay sa NFA walang kita ang magsasaka; P22/kilo bili ng Malolos LGU

470
0
SHARE
Si Malolos City Vice Mayor Miguel Bautista habang idinedetalye sa Punto! ang gagawing pagbili nila ng palay sa mga magsasaka. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Hindi rin umano kikita ang mga magsasaka sa programa ng National Food Authority at ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pagbili sa halagang P19 hanggang P20 kada kilo ng tuyong palay ng mga magsasaka.

Ito ay ayon sa ilang magsasaka sa naturang lungsod na hindi din anila maituturing na mataas ang presyo ng palay sa programang ito ng SINAG.

Ayon kay Melencio Domingo, pangulo ng mga magsasaka sa Barangay Santor, dati nang P19 kada kilo ng palay ang bili sa kanila ng NFA. Kaya’t kung tutuusin ay hindi mataas at walang pinagbago ang presyong ito na wala ding kikitain ang mga magsasaka at tanging ang mga negosyante pa rin ang makikinabang.

Kung nais, aniya, ng SINAG at ng NFA na maging maganda ang kita ng mga magsasaka ay dapat na bilhin nila ang palay sa farm gate ng halagang P22 hanggang P23 kada kilo nito.
Samantala, ang lokal na pamahalaan ng Malolos ay naglaan ng budget para sa pagbili ng aanihing palay ng mga magsasaka sa halagang P22 kada kilo.

Ani Malolos City Vice Mayor Miguel Bautista, nasa 200,000 bags ang nakatakda nilang bilhin sa mga local farmers sa paunang budget na inilaan. Katuwang aniya dito ang NFA para sa pagpoproseso at pag-iimbak ng mga palay.

Mula sa palay na bibilhin ng lokal na pamahalaan ang bigas na ayuda sa mga mahihirap na mamamayan na naapektuhan ng pandemya maging ang tulong sa mga namamatayan.

Ayon sa Malolos LGU, sa halip na mamili ang lokal na pamahalaan ng palay sa mga millers ay mismong sa mga magsasaka na sila mamimili para gumanda ang ani ng mga magsasaka at makatulong sa food security ng Department of Agriculture.

Ikinatuwa naman ng mga magsasaka sa Malolos ang programa na ito ng LGU dahil maganda anila ang kanilang kikitain sa pagbili ng halagang P22 kada kilo ng palay sa farm gate.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here