Home Headlines P130-K shabu nakumpiska, 5 arestado sa NE

P130-K shabu nakumpiska, 5 arestado sa NE

222
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Umaabot sa P130,356 halaga ng shabu ang nasamsam at limang suspek ang nasakote ng mga operatiba ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa anti-drugs operations nitong umaga ng April 9.

Ayon kay NEPPO director Col. Ferdinand D. Germino, bandang alas-2:30 ng umaga nang isagawa ang buy-bust operations sa Purok 1, Barangay San Josef Sur ng lungsod na nagresulta sa pagka-aresto ng isang 48-anyos na residente.

Nakumpiska mula sa kanya ang 15.30 grams ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P104,040, ayon pa kay Germino.

Samantala, apat pang suspek ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Guimba, General Tinio, Nampicuan, at Science City of Muñoz.

Nasa kabuuang 3.87 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P26,316 and nakuha mula sa mga suspek, dagdag ng opisyal. 

Mga kasong paglabag sa Sections 5 & 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinakaharap ng mga suspek.

“We urge the community to refrain from engaging in illegal activities, especially those involving illegal drugs. Let’s work hand in hand to keep our neighborhoods free from the harmful effects of substance abuse,” saad ni Germino bilang tugon na rin sa direktiba ni Police Regional Office 3 director BGen. Jean S Fajardo na palakasin ang kampanya laban sa  drug-related crimes sa Central Luzon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here