Home Headlines P10-M natupok sa lumang Kapitolyo ng NE

P10-M natupok sa lumang Kapitolyo ng NE

363
0
SHARE
Sunog sa kumang Kapitolyo ng Nueva Ecija. Contributed photo

LUNGSOD NG CABANATUAN — Tinatayang nasa P10 milyon ang halaga ng mga istruktura at aria-arian na naabo sa sunog na tumupok sa sampung pwesto sa bakuran ng Old Capitol ng Nueva Ecija sa Burgos Ave., Barangay Quezon District dito bandang 11:31 ng gabi nitong Huwebes.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Cabanatuan, walong firetrucks at tatlong ambulansiya ang rumisponde sa insidente.

Bandang alas-11:41 ng gabi nang mai-report sa BFP ang insidente at nakarating ang mga bumbero ganap na alas-11:44 ng gabi.

Naideklarang fire under control ganap na alas 12:31 at tuluyang naapula ang apoy ganap na ala-1:13 ng umaga.

Kabilang sa mga nasunog na establisimiyento ang Language Skills Institute Office, Boy Scout of the Philippines Office-Nueva Ecija Chapter, Civilian Security Unit Office-Nueva Ecija, at pitong single-storey canteen.

Patuloy ang imbestigaayon sa pinagmulan ng sunog. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here