Home Headlines P1-M droga nakumpiska

P1-M droga nakumpiska

641
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang high value target at nakumpiska sa kanya ang iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P1 milyon sa buybust operation sa lungsod na ito Martes ng gabi.

Kinilala ni Balanga City Police Chief Major Sonia Alvarez ang suspek na si Jackson Gregorio, 39, sales agent ng Pilar, Bataan na diumano’y kabilang sa drugs watch list sa bayan ng Orion.

Sa isinagawang buybust operation sa Barangay Ibayo pasado alas-8 ng gabi sa pangunguna ni Lt. Gilcerio Dizon Jr., nakabili sa suspek ng isang small sized heat-sealed plastic sachet ng shabu sa halagang P5,000.

Matapos maaresto si Gregorio, nakakuha pa sa kanya ang pulisya ng apat na iba pang small size heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu, at isang malaking ziploc self-sealing plastic bag na naglalaman din ng shabu.

Nakakumpiska rin sa suspek ng isang digital weighing scale, isang upper receiver at barrel ng pistola.

Sinabi ni Dizon na ang buybust operation ay bunga ng masusing pagmamatyag sa suspek ng mga kasapi ng police drugs enforcement unit, police intervention unit, 1st Provincial Mobile Force Company at ng Balanga City Police Station.  

Itinuturing ng pulisya na isa ito sa pinakamalaking nakumpiskang droga sa Bataan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here