Oyo Boy ayaw payagang makipaghalikan si Kristine Hermosa kay Jericho Rosales

    472
    0
    SHARE

    WISH NI Oyo Sotto, buntis na ulit ang asawang si Kristine Hermosa. Gusto na pala nilang sundan ang bunsong si Ondrea na ngayon ay two years old na. “Sana, buntis na,” ani Oyo nang makatsikahan namin sa 5th PMPC Star Awards for Music last Sunday. Dumalo si Oyo in behalf of his father na recipient ng special award na Icons of Original Philippine Music special award.

    “Actually, nu’ng nag-one-year-old si Ondrea, sinusubukan na naming sundan, kaya lang hindi pa binibigay ni Lord, so…,” dagdag ni Oyo. Kung ang aktor ang tatanungin, ang gusto raw niya sana, anim na anak pero okay na raw sa kanya kahit apat lang.

    Right now, may dalawa na silang anak, ang panganay ay ang adopted nilang si Quiel, four years old. Tungkol naman sa pagbabalik-showbiz ni Kristine, ani Oyo, napag-usapan na raw nila ito at payag naman daw siya dahil nakikita rin naman niyang nami-miss na ng asawa ang pag-arte.

    Matatandaang may offer si Kristine para sa pagbabalik-tambalan nila ni Jericho Rosales at say ni Oyo, okay naman sa kanila, pero up to now, hindi pa rin matuluytuloy.

    “Ang daming offer sa kanila ng management nila na gumawa ng soap ulit but the problem is parang hindi kasi tumutugma ru’n sa gusto ni Tin din. “So, siya naman, okay din naman sa kanya. She really misses working and gusto niyang gumawa ng soap kaya lang, ayaw niya ng drama. Gusto raw niya, mga action, mga comedy.”

    So, pumapayag naman pala siya? “Oo naman, matagal na naming napagusapan ’yan. Sabi ko naman kay Tin, basta alam niya ang mga limitasyon niya, kung gusto niyang gumawa ng soap, okay lang.

    “Pinapayagan ko naman siya. Actually, I feel for Kristine, alam kong gustung-gusto na niyang magtrabaho, hindi nga lang mag-swak ang mga schedule.”

    Tinanong namin kay Oyo kung ano ba ang mga limitation ni Tin at kung kasama ba rito ang kissing scene.

    “Tanungin n’yo si Tin, pero kung ako, siyempre, ayokong may kissing scene. Dapat ako lang,” natatawa pa niyang sabi. Paano kung hilingin ng fans nina Kristine at Echo ang kissing scene?

    “Eh, para walang problema, sana, wala na lang. Naku, magagalit sa akin ang fans nito,” natatawa pa niyang say.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here