Home Headlines Oras ng 2 pamilihan binawasan

Oras ng 2 pamilihan binawasan

927
0
SHARE

Nagsasagawa ng disinfecting operation ang mga kawani ng Cabanatuan City Risk Reduction and Management Office. Kuha ni Armand Galang


LUNGSOD NG CABANATUAN — Kung dati ay halos magdamagan ang takbo ng kalakalan sa Sangitan Public Market, simula Marso 19 ay mula alas-5 y media ng umaga hanggang alas-2 y media ng hapon na lamang ang operasyon nito.

Ganito rin sa public supermarket, batay sa kautusan ni Mayor Myca Elizabeth Vergara.

Isang hakbang raw ito para maiwasan ang paglaganap ng Covid-19 na dahilan kung bakit nasa ilalim ngayon ng enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Tanggap naman ng mga mangangalakal at mamimili ang habang na ito ng lungsod.

Gayunman, dahil sa isinagawang disinfection sa supermarket at pagbabawas ng oras ng palengke ay kapansin-pansin ang siksikan ng mga tao sa Sangitan Public Market nitong Huwebes ng umaga.

Samantala, dahil karamihan sa mga negosyo ngayon ay sarado din sa bisa ng umiiral na ECQ ay hiniling ni Vergara sa may-ari ng mga gusaling pinauupahan na ikunsidera pansamantala o lubusan nang isantabi ang rental fees.

 

Binigyang diin ni Vergara na ang pagsasara ng negosyo nang halos isang buwan ay sakripisyo para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.

Nanatili namang negatibo sa Covid-19 ang Nueva Ecija hanggang nitong umaga ng Huwebes.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here