Home Headlines Ople nagbabala laban sa online illegal recruitment

Ople nagbabala laban sa online illegal recruitment

381
0
SHARE
Si DMW Secretary Toots Ople kasama si Gov. Daniel Fernando sa pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Ka Blas Ople. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS —Nagbabala si Department of Migrant Workers Secretary Toots Ople sa mga online illegal recruitment kung saan ay marami ang nabiktima papunta sa ibang bansa at dapat na pauwiin ngayon.

Ito ang babala ni Ople sa 1,276 job seekers na dumalo sa job fair ng Kapitolyo ng Bulacan kaugnay ng pagdiriwang sa ika-96 kaarawan ni dating Senador Blas F. Ople ngayong Feb. 3.

Ayon kay Sec. Ople, dapat na mag-ingat ang publiko sa mga online illegal recruiters na mga gumagamit pa ng hindi totoong pangalan. Bukod sa nangungumisyon na aniya ang mga ito sa bawat mapapalis ay ang mga ito ang mga unang naglalaho kapag may problema na ang mga nabiktima sa ibang bansa.

Sa gitna ng kanyang panawagan ay dapat aniya na sa mga tamang ahensya lang ng gobyerno makipag-ugnayan kung nais na magtrabaho sa ibang bansa.

Samantala, kasabay nga ng pagdiriwang ng kaarawan ng yumaong senador at dating kalihim ng paggawa ang pagsasagawa nga ng job fair at ng medical mission sa pangunguna ng DMW. 

Sa tala ng Kapitolyo, umabot sa 1,276 job seekers ang nagtungo sa nasabing job fair habang 51 local employers at 30 employers sa abroad ang nakilahok. Ito ay  ginagawa sa pangunguna ng provincial youth, sports and public employment service office sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.

Ang Ople Day ay pinagdiriwang ngayong Feb. 3 sa Bulacan bilang isang special non-working day.

Kilala ang yumaong Ople bilang “Father of Philippine Labor Code” at “Father of Overseas Filipino Workers.” Isinilang noong Feb. 3, 1927 si Ople ay nanilbihan sa mga matataas na pwesto sa executive at legislative branch ng gobyerno gaya ng Senate President mula 1999 hanggang 2000 at Secretary of Foreign Affairs bago siya pumanaw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here