KUNG ating tapunan ng kahit gabinlid
na pansin ang ngayon magulong daigdig
ng pulitika ay ‘here in the Philippines,’
we may find some that are possible for Ripley’s;
‘Believe It or Not’ ng naturang nilalang
na ang koleksyon niya’y kinabibilangan
ng mga kakatwa at di simpleng bagay
na naging bahagi na ng kasaysayan.
Aling bansa ang may ‘political party’
na tulad ng dito ngayon nangyari?
Kaya lang nang dahil sa ubod ng dami,
Ay iba ay di ko na matukoy pati.
Di tulad sa U.S. o sa Amerika,
na dalawa lamang (yata) sa tuwina,
ang pagpipilian tuwing eleksyon nila,
kaya di mahirap matukoy kumbaga.
Republican saka Democratics lamang
dito sa States ang tila karaniwang
sa halalan dito laging magkalaban,
kahit may iba pang partido kung minsan.
Dito rin sa atin, dati ay Liberal
at Nacionalista, itong magkalabang
partido na aking tanging nakagisnang
pinaka-mahigpit na noon magkalaban.
Hanggang sa sumulpot itong iba’t-iba
pa riyang partido, na ngayo’y limot na
pati na rin itong sinu-sino sila
na bumuo nga n’yan nang panahon nila.
Di kaya mainam nating maibalik
sa dati ang takbo ng ating ‘politics,’
kung saan marapat mabigyan ng ‘limit’
ang ilang bagay na di kanais-nais.
Gaya ng kung ilang kandidato dapat
sa pagka-pangulo, bise itong sukat
na maging official candidate, di tulad
nitong sa ngayon ay puede’ng sandamakmak?
At kahit ‘sandaan itong magpalista
para makapag-‘file’ ng C.O.C. nila,
ni di sinisita at kinukompronta
ng Comelec pagkat libre sa lahat na?
Kung saan umabot sa nubenta’y syete
ang nakapag-‘file’ sa pagka-presidente,
pero mga ‘nuisance candidate’lang bale
ang higit-kumulang sa otsenta’y nuebe.
Di kaya dapat lang na ang patakaran
sa bagay na ito ay kinakailangan
nang baguhin upang mabigyan ng takdang
bilang ang marapat kumandidato riyan.
Susugan na itong ‘provided one can write
and read’ pupuede nang tumakbo ang kahit
ni di nakatuntong man yata ng ‘Grade 6,
gaya halimbawa ni Paquiao, kapatid?
Walang duda na siya ay ubod ng galing,
ngunit sa larangan nga lamang ng boksing;
pero para maging presidente natin,
sobra na – di na niya dapat pangarapin!