Home Opinion ‘Only death penalty can minimize crimes’

‘Only death penalty can minimize crimes’

675
0
SHARE

PANAHON na para muling maibalik
ng ating Batasan itong parusang ‘death’
o ang ating dating ‘capital punishment,’
na ilang taon nang ito ay ‘abolished’

Ngayong ang krimen na iba’t-ibang klase
ay di lang marahil higit pa sa doble
kaysa dati, bago naging presidente
si Gloria Arroyo, na may-akda bale

Nang pagka-pawalang bisa ng parusang
nasabi at siyang sa maraming halang
ang bituka itong kumbaga’y nabigyan
ng tsansang pamuling magpakasasa r‘yan.

Na hayan, ang ‘rapist, snatcher, hired killer,’
drug addict, kidnapper, swindler’ at holdaper,
lalong dumami at pati na ‘rape- murder’
ay absuwelto rin sa naturang ‘punishment’.

Pagkat kung may ninong na sinasandalan
sa Congress, sa Senate o sa Malakanyang –
gaano man kabigat ang kasalanan,
ay ligtas sa ano mang kaparusahan!

Gawa ba ng tao ang patayin nito
ang biktima niyonh sa droga ay lango
gaya nang madalas batang paslit mismo
itong na-‘gang rape’ sa mga tarantado?

Na tunay naman ding lumobo ang bilang
ng mga biktima r’yan ng panghahalay,
pati ang iba pang grabeng karahasan
sapol nang alisin ang parusang bitay.

Sana naman itong kahit na katiting
ay may malasakit sa gobyerno natin,
partikular na r’yan itong magagaling
na mga Solons ay ang bitay ‘buhayin’.

Di kaya nang dahil sa itong pumayag
ibaba sa ‘life’ ang parusang marapat
ipairal ay nang dahil sila’y ilag
sa ‘lethal injection’ kapagka minalas?

Sanhi na rin nitong ang nakararami
sa’ting nabansagan manding honorable,
iyan sa likod ng pagpakitang buti
ay baka tago lang ang pagkasalbahe?

At kung kaya lamang na malamig sila
sa isyung ang bitay ay ibalik nila,
taongbayan na ang marapat humusga,
kung dapat ibalik o kaya hindi na.

Kapag nagkaisa na atasan itong
mga magagaling at mapuring Solon
upang susugan ang ating ‘constitution’
habang ang nasa Palasyo ay si Digong.

Pagkat siya lamang ang nakadarama
sa pintig ng puso’t damdamin ng masa,
na maibalik ang ganitong parusa
para na rin sa’ting di ikabalisa.

At palaging saklot ng alalahanin
na baka habang ang tulog ay mahimbing
ng buong pamilya, mga taong itim
ang kaluluwa ang manloob sa atin.

Ya’y mababawasan kundi man tuluyang
mawala, kapagka ang sentensyang bitay
ay binuhay muli ng pamahalaan
laban sa salot ng ating Inangbayan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here