Home Headlines Onion cold storage facility, pinasinayaan sa Moncada

Onion cold storage facility, pinasinayaan sa Moncada

818
0
SHARE

Pinangunahan ni Department of Agriculture Regional Director Crispulo Bautista Jr. at Moncada Mayor Estelita Aquino ang pagpapasinaya ng 10, 000 bags capacity Onion Cold Storage Facility. (Department of Agriculture Central Luzon)


 

LUNGSOD NG TARLAC — Pinasinayaan ang 10,000 bags capacity na Onion Cold Storage Facility sa bayan ng Moncada sa Tarlac.

Handog ito ng Department of Agriculture o DA Region 3 sa ilalim ng High Value Crops Development Program o HVCDP para sa Sapang Multi-purpose Cooperative ng barangay Ablang Sapang.

Ayon kay DA Regional Director Crispulo Bautista Jr., patuloy ang mga programa tulad nito para sa mga magsasaka sa Gitnang Luzon.

Aniya, sisiguraduhin ng kagawaran na magtatayo pa ng mga pasilidad tulad ng onion cold storage sa rehiyon upang maiwasan ang pagkalugi ng mga magsasaka.

Samantala, tiniyak ng Sapang Multi-purpose Cooperative na malaki ang maitutulong ng pasilidad para sa mga magsasaka ng kooperatiba at ng kanilang bayan.

Sa pamamagitan nito, maitataas ang kita sa sibuyas at matatanggal ang mga middlemen na karaniwang bumibili ng kanilang produkto sa mababang halaga.

Kabilang ang proyektong sa Bayanihan II ng HVCDP para sa taong 2020. (CLJD/GLSB-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here