DIOS NA makapangyarihan, muli kaming humaharap sa pagsubok dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal. Napakaliit namin upang harapin ang lakas ng bulkan. Subalit naniniwala kaming mapapahupa ng Iyong kamay ang bangis nito. Iligtas mo po kami sa kapahamakan, lalo na ang mga mahihirap, may karamdaman, mga bata at nakatatanda at nag-iisa.
Paigitingin mo rin sa amin ang pagdadamayan, pagmamalasakit at pangangalaga sa kapwa at kalikasan. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, Amen.
Maria, Ina ng Awa, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
(Cardinal Luis Antonio Tagle)
Kaligtasan ng mamamayan
DASAL KO ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, lalo na ang mga naninirahan malapit sa Taal Volcano na kinailangang ilikas.
Mag-ingat po tayo sa panganib na dulot ng ashfall, at manatiling alerto para sa anunsiyo ng pamahalaan.
(Pangalawang Pangulong Leni Robredo)
Buwisit na kahambugan
KAININ KO pa ‘yang ashfall na ‘yan, pati ‘yang Taal ihian ko ‘yan, bwisit na ‘yan.
(Pangulong Rodrigo Duterte)