Halatang mabigat sa kalooban ni Derek Ramsay ang diumano’y pagbabawal ng ABS-CBN na banggitin ang pangalan niya sa tuwing nagpo-promote ng A Secret Affair si Anne Curtis sa It’s Showtime.
Ang nasabing pelikula ay pinagsasamahan ng dalawa under Viva Films kung saan ay kasama rin si Andi Eigenmann na talent din ng ABS-CBN.
Of course, hinihinalang may kinalaman ang naturang “pagbabawal” sa naging paglipat ni Derek sa TV5 recently.
Sa presscon ng A Secret Affair last Monday night, bagama’t nakangiti, makikita kay Derek na medyo apektado siya sa issue.
“You know what? Ako, hindi ko na pinapansin ’yun, okay lang sa akin talaga, eh,” seryoso niyang sabi, “like I said kanina, I’m sure they have their reason.
“’Yung sinasabi nga na may secret reason daw (ang ABS-CBN), bakit, kung may secret, ’di sa akin na lang. Why don’t they just go after me? Madaming nadadamay, eh.”
May idea ba siya kung sino ang nagbabawal?
“I really don’t care. Ako, I have a lot of respect for ABS-CBN, hindi ko na makakalimutan ang ginawa sa akin ng ABS-CBN with regards to my career.
Kung ano ang ginawa ng Star Cinema sa akin with regards to my career. I give them that respect.
“So, for me, ayoko nang mawala ’yun, eh. ’Yung mga ganito, hindi ko na… (pinapansin).”
Galit ba siya?
“No, I’m just disappointed, upset a little bit. ’Coz, I mean, I’m working hard. I’m giving everything to this project.
And I never disrespected ABS-CBN and I want that to be out there, I never disrespected, I never lied to ABS-CBN and they know that. And I don’t think ABS-CBN would deny that because I was honest and open to you guys, to them, for eight months.
“I don’t know why they keep saying ’yung nasa tsismis na bigla ko silang iniwan.
Ang tagal pinag-usapan ’to, eight months, pamilya ko, sila, I remember sitting down and ako mismo, sa akin nanggaling, matamaan man ako ng kidlat ngayon, sinabi ko sa kanila, ‘teka muna, guys, I am considering moving’ and I gave them my list of reasons.
“Sinabi ko rin kay Mr. Gabby Lopez, and Mr. Gabby Lopez was very, very nice by saying, sinabi pa nga niya sa akin na he respects what I said to him, he even respects my father, ang ganda nga ng e-mail ni Mr. Lopez sa daddy ko which nu’ng binasa ko, I respect Mr. Lopez for that. Binigyan niya ako ng respeto, binigyan niya ng respeto ang dad ko.”
Ang alam daw niya ay umalis siya nang walang bad blood kaya hindi rin daw niya alam ngayon kung saan nanggagaling ang lahat ng isyu.
“If it’s coming from them, ayokong isipin. Ako, basta ang paningin ko sa ABS-CBN… siyempre, nasasaktan ako, pero I have respect for them, so, I leave it at that. Ayokong magkaroon ng mas malaking gulo.
“Basta ako, nasa TV5 ako and I’m very happy with my decision and ’yun na ’yun, tapos na ’yun.”
Ano naman sa tingin niya ang “secret reason” ng ABS-CBN?
“Guys, kung may nagawa akong masama sa ABS-CBN, Lord, parusahan n’yo ako kasi wala akong ginawang masama sa kanila. Alam nila ’yun,” seryoso pa ring sabi ng aktor.
Nalulungkot lang daw siya na nadadamay pa ang mga katrabaho niya na wala namang kinalaman sa desisyong ginawa niya.
“Nadadamay pa sila. This is Direk Nuel (Naval)’s first movie and he works for ABS-CBN at nadadamay pa, so, ano’ng sasabihin ko, nahihiya ako,” parang maiiyak nang sabi ni Derek.
Gayunpaman, na-touch daw siya kay Anne na sinabi pa rin ang name niya sa It’s Showtime.
“Even though Anne wasn’t allowed to say my name, she did. So, that’s the friendship Anne and I have. I never asked her to do that, that’s what makes it even more heartwarming that you know, she stood up for me,” he said.
Sumaya naman ang aktor nang mapag-usapan ang kanyang upcoming show sa TV5 na The Amazing Race Philippines at say niya, sobrang excited na siya sa pagsisimula nito.
Samantala, showing na sa Oct. 24 ang A Secret Affair at kasama rin dito sina Jaclyn Jose, Joel Torre and Jackie Lou Blanco.