Oil tanker bumaligtad, driver patay

    248
    0
    SHARE
    LIMAY, Bataan — Naipit at namatay ang driver nang ang minamaneho niyang oil tanker na may kargang krudo ay bumaligtad at tumihaya sa tabi ng Roman Superhighway sa Barangay Alangan dito Lunes ng gabi.

    Dead on the spot si Wilson Domingo, 53, ng Ilagan City, Isabela na ang katawan ay kailangang hilahin mula sa tumihayang oil tanker.

    Dinumog ng 14-wheeler trailer truck tanker at nawasak ang isang dating tindahan, dalawang poste ng kuryente, isang van at isang motorsiklo na parehong nakaparada sa tabi ng highway.

    Nadaganan ng malaking sasakyan ang dalawang tricy- cle at isang motorsiklo na na- kaparada sa garahe sa gilid ng kalsada.

    Agad namang nailipat sa ibang sasakyan ang kargang krudo ng 14-wheeler truck. Si Charlie Tumangil at ang kanyang asawa ay na-ka-standby sa isang tindahan nang dumating ang oil tanker sa pabulusok na kalsada.

    “Mabilis ang takbo at sabi ko bakit hindi nag-aaply ng brake. Pagkabig ng driver ng manibela, unti-unting bumaligtad ang oil tanker kaya tumakbo na kami,” sabi ni Tumangil.

    Pag-aari nila ang dalawang tricycle at isang motorsiklo na nadaganan ng malaking sasakyan.

    Patuloy pa ang imbes- tigasyon, sabi ni Chief Inspector Melanio Santiago, hepe ng Limay police.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here