OLONGAPO CITY- May ten meters ang lawak na sakop ng oil spill mula sa pinaglagyan ng fishing vessel FB World 1 para gawin itong artificial reef, bahagi ng proyekto ng City of Olongapo at diving site ng Arizona Resort, Barangay Barreto dito.
Ayon kay Barretto barangay secretary Sotero Dabu, wala silang alam sa project at nagulat na lamang siya dahil sa tawag mula sa ibat-ibang may-ari ng beach resort dahil sa oil spill.
Ayon naman kay barangay executive officer Joel Banez, dapat inilayo nila and pinaglagyan ng fishing vessel mula sa kung saan dumadaong ang mga bangka.
Sa isinagawang inspection ng SN1 Ares Diaz ng Philippine Coast Guard Marine Environmental Protection Unit, kailangan malagyan ang lugar ng chemical dispersal para hindi kumalat ang langis.
Sinikap namang palahin ng mga empleyado ng Arizona beach ang mga residue ng langis sa pampang ng dagat at saka inilagay sa sako at saka binuhusan ng disinfectant.
Nabatid na ang fishing boat ay sakop ng deed of donation ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa City of Olongapo.