OIL SPILL SA KARAGATAN, NAGSIMULA NA
    Illegal hauling ng langis natukoy

    552
    0
    SHARE

    SAN ANTONIO, Zambales — Dinakip ng pinagsanib na mga tauhan ng Department of the Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau at PNP Maritime Unit 3 ang isang tanker na naglalaman ng petroleum waste materials na ibinibiyahe sa Metro Manila.

    Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni RMU3 chief, Senior Supt. Roland Rama, ang nasabing petroleum waste materials ay kinukuha sa lumubog ng tug boat Cosco II sa baybayin ng Sitio Nagsasa, Barangay Pundakit, San Antonio, Zambales.

    Sakay sa Blue Ocean tanker na may plakang CTZ-727 na minamaneho ni Basillo Muring at ang mga pahinanteng sina Gregorio Apuli, Albino Medina at Zaldy Magalso ang may 11,600 liters o may kabuuang mahigit sa 50 drums na petroleum waste materials nang masabat ito ng mga awtoridad sa Barangay Kalaklan, Olongapo City.

    Sa isinagawang berepikasyon sa mga dokumento na ipinakita ni Muring sa DENR, sinabi ni Rolando Garcia, focal person ng DENR-EMB na ang ginagamit na permit to transport sa paghahakot ng petroleum waste materials ay mula sa Calaca Power Corp. sa San Rafael, Calaca, Batangas patungo ng Bulacan kung kaya ito ay illegal na nagta-transport sa nasabing kemikal. “Dapat sa regional office sila kumuha ng permit to transport”, ayon pa kay Garcia.

    Dahil dito, nagkakaroon na ng oil spill sa Sitio Nagsasa dahil sa hindi mapigilang pagtagas ng langis sa nasabing lugar.

    Nababahala rin ang mga beache resort owners ng Pundakit kapag hindi ito nabigyan ng agarang solusyon ay masisira ang lugar na isa sa mga itinuturing na tourist destinations sa lalawigan ng Zambales.

    Isasailalim naman sa examination ng DENR-EMB ang petroleum para matukoy kung ito ay isang toxic material, hazardous waste o kaya’y hazardous materials.

    Ang tanker ay nasa custody ng PNP Maritime sa Port of Subic at inihahanda ang kasong paglabag sa Section 27,Paragraph 1 ng RA 6969 o “Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990” sa mga nahuling suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here