Ogie and Regine bubuo ng baby next year

    384
    0
    SHARE
    Tawa nang tawa si Ogie Alcasid, nang banggitin namin sa presscon ng upcoming movie niya with Michael V, Yaya & Angelina, The Spoiled Brat Movie, ang usap-usapan ng reporters na dahil gamay na gamay na niyang gumanap ng gay role, hindi kaya magising na lang siya isang umaga na isa na siyang berdaderong bakla?

    Explanation ng mga hitad (well, the reporters), “constant practice makes perfect.”

    Inilahad tuloy ni Ogie kung paanong minsang nanood sila ng isang movie ni Regine (Velasquez, his one and only love), na ang bida ay si Robert Downey, napatalak daw siya at nasambit na ‘ang guwapo naman ng lalaking ito!’

    Naramdaman niya raw na tinapik siya sa balikat ni Regine, sabay tanong: “Ano uli ang sinabi mo?”

    Tugon daw niya, “Sabi ko, guwapo talaga si Robert Downey.

    ”Naku, ha,” sabi raw ni Regine, “huwag ka ngang magsasalita ng ganyan. Para kang bading.”

    Until now, ayon kay Ogie, he’s not at liberty to talk about any plan kung kelan ba talaga sila magpapakasal ni Regine.

    Actually, dito yata sa atin natatagalan ang annulment nila ng dating asawang si Michelle van Eimeren.

    In Michelle’s case, she’s officially divorced from Ogie as far as the law on marriage in Australia is concerned.

    Kaya, ’di nga ba at ikakasal na ito sa November sa kanyang Australian fiancé?

    Tiyak daw ang pagdalo nila ni Regine sa kasal ni Michelle at tulad ng napag-usapan, silang dalawa ang aawit sa wedding.

    Tiyak din daw na magiging member ng wedding entourage ni Michelle ang dalawa nilang anak na sina Leila, 12, at Sarah, nine.

    Eh, sila ni Regine, kelan nila balak na magkaroon ng sariling baby?

    “’Di ba, Regine made an announcement na titiyakin naming ‘makabuo’ next year? Well, that’s it.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here